Nabawasan ang GCash wallet ko pero hindi successful ang transaction. Paano makakakuha ng refund?
Gusto mong i-check kung successful ang bayad o GCash transaction mo? Heto ang dapat gawin:
-
I-check ang Inbox o GCash Transaction History sa GCash app.
- Tingnan kung nabawasan ang GCash wallet balance mo.
Kung walang lumabas na transaction sa history mo at hindi nabawasan ang balance mo, ibig sabihin hindi natuloy ang transaction.
Pero tandaan, may mga transactions na may processing time.
Ibig sabihin, mababawasan agad ang wallet mo, pero kailangan pa ng konting oras bago mag-reflect o ma-post ng partner.
Heto ang mga services na may processing time:
- Bills: Depende sa biller. May listahan ng billers at processing times na pwede mong i-check.
-
GFunds: Tingnan ang Order Processing Days para sa GFunds.
-
GStocks PH:
- Real-time ma-post sa PSE ang Buy/Sell orders.
- Pero ma-process lang ‘yan during trading hours:
Monday to Friday (except holidays)
9AM–12PM at 1PM–3PM
- Real-time ma-post sa PSE ang Buy/Sell orders.
-
GCrypto: Real-time ang Buy/Sell orders.
Kung nabawasan ang balance mo pero walang record sa Transaction History, kailangang i-check pa ’yan ng GCash.Piliin lang ang GCash feature o service na gusto mong i-report para sa mas mabilis na tulong mula sa GCash support team:.
GSave (Withdrawal or Deposit)