Paano gamitin ang GCash?
Ano ang GCash?
Ang GCash ay isang finance super-app na tumutulong sa'yo para mas madali mong ma-manage ang pera mo. Pwede kang magpadala at tumanggap ng pera, magbayad ng bills, mag-shopping online, mag-invest, at kung anu-ano pa—lahat ito nasa isang app lang.
Paano gumawa ng GCash Account
Alamin kung paano mag-setup ng GCash account mo.
May iba't ibang klase ng GCash account. Tignan kung anong para sa'yo:
Regular GCash Account: Para sa mga GCash users na 18 years old pataas na gumagamit ng SIM mula sa Pilipinas
GCash Jr: Para sa mga GCash users na 7 hanggang 17 years old na may SIM na galing sa Pilipinas
GCash Overseas: Para sa mga Pilipino na may SIM na galing sa ibang bansa. Pwede niyong makita ang listahan ng mga bansang sakop dito.
Wallet and Transaction Limits
Kapag naka-create ka na ng GCash account mo, magsisimula ka sa Basic Profile. Heto ang mga limits ng wallet at transaction kapag Basic kumpara sa Fully Verified accounts.
| Basic Profile | Fully Verified Account | |
| Wallet Limit | PHP 10,000 | PHP 100,000 |
| Incoming Transaction Limit | PHP 5,000 | PHP 100,000 |
| Outgoing Transaction Limit | PHP 5,000 | PHP 100,000 |
Pwede kang mag check ng Wallet & Transaction Limits sa GCash app. I-tap lang ang Profile > Profile Limits.
Get Fully Verified
Mag-enjoy ng lahat ng features ng GCash na merong higher wallet at transaction limits kapag Fully Verified na ang GCash account mo.
Narito ang guide para ma-fully verify ang GCash account mo:
- Mag-log in sa GCash: Buksan ang app at mag-sign in.
- Pumunta sa Verification: I-tap ang Profile > Verify Now
- I-submit ang valid ID at selfie: I-scan ang isa sa mga tingatanggap na valid government ID para sa verification at ready na mag-selfie.
- Maghintay ng approval: Ire-review ng GCash ang mga documents mo at magpapadala sila ng SMS tungkol sa verification status mo.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang "Ano ang mga gagawin para maging Fully Verified ang GCash account ko?"