Can't verify or failed verification
Kung nag-a-apply ka para sa isang GTourist account, click here.
IKung na-reject ang verification ng iyong GCash account, i-check ang SMS notification para makita ang reason.
Narito ang mga common issues at kung paano ito maaayos:
Maaaring blurry, madilim, o may nakatakip sa photo mo. Narito ang tips para sa tamang selfie:
- Gumamit ng maayos na lighting. Mag-selfie sa maliwanag na lugar.
- Pumili ng simpleng background na walang ibang tao.
- Siguraduhing klaro at buong makikita ang iyong mukha. Alisin ang salamin o face mask.
- Sundin ang steps sa app, tulad ng pag-blink, at hawakan ang phone ayon sa instruction.
Pwede kang mag-resubmit within 10 days. Kapag hindi, kailangan mong ulitin ang buong verification process.
Kung nakapag-resubmit ka na pero wala ka pa ring update, click here to follow up.
Maaaring may issue sa quality ng ID o hindi tugma ang details. Narito ang tips sa pag-submit ng iyong ID:
- Gumamit ng original at valid ID na hindi expired.
- Siguraduhing eksaktong tugma ang info sa ID mo sa inilagay mo sa GCash app.
- Kunan ang photo sa maliwanag na lugar. Iwasan ang paggamit ng flash.
- Siguraduhing buong makikita at malinaw ang ID, hindi cropped o blurry.
- Kunan ang ID nang tama ang orientation o right side up.
Pwede kang mag-resubmit within 10 days. Kapag hindi, kailangan mong ulitin ang buong verification process.
Kung nakapag-resubmit ka na pero wala ka pa ring update, click here to follow up.
Subukan mong mag-verify ulit:
- Buksan ang GCash app
- I-tap ang Profile > Verify Now
- I-submit ang lahat ng required documents within 10 days
Pagkatapos magsumite, maghintay ng 4 days para sa update.
Posibleng hindi mo na-meet ang internal policy requirements. Ang mga policy na ito ay para matiyak ang safety at compliance ng lahat ng GCash accounts.
What to check first
Kung nakatanggap ka ng SMS na hindi puwedeng ituloy ang verification mo dahil sa policy requirements, isang posibleng dahilan ay naabot mo na ang GCash Account Ownership Limit.
Sa ilalim ng GCash Account Ownership Limit, hanggang limang (5) fully verified personal GCash accounts lang ang puwede sa ilalim ng iyong pangalan. Kapag naabot mo na ang limit na ito, hindi ka na makakagawa o makakadagdag ng panibagong account.
Para malaman pa ang detalye, here.
When to file a ticket
Kung naniniwala kang nagkamali ito at may valid proof o clarification ka, click here to contact support para sa further review.
Mag-file lang ng ticket kung:
- Natapos mo ang verification process at nakatanggap ka ng SMS.
- Tama at valid ang impormasyong isinumite mo.
Kung hindi, subukan mong mag-verify ulit sa pamamagitan ng pag-tap sa Profile > Verify Now sa GCash app at siguraduhing tama ang lahat ng details at documents.
Need more verification tips?
Panoorin ang quick guide na ito para sa tips kung paano makumpleto nang successful ang iyong verification.