Paano kung ayaw ko mag-verify?
Pag na-verify mo ang GCash account mo, magagamit mo lahat ng features at mas secure ang account mo.
Ayon sa requirement ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kailangan mong i-verify ang account mo within 12 months mula nung ginawa mo ito.
Kung hindi ka mag-verify:
- Pwede mo lang magamit ang basic services tulad ng Cash In, Pay Bills, Buy Load, at Receive Money.
- Kung zero ang balance mo, maclo-close ang account mo.
- Kapag may natitira ka pang balance, ma-su-suspend ang account mo at magkakaron ng monthly maintenance fee na PHP 30. Magsisimula ang fees na ito pagkatapos ng suspension at tuloy-tuloy ito hanggang maging zero ang balance mo o umabot ng 10 years, alin man ang mauna. Pagkatapos nito, madi-deactivate at permanently closed na ang account mo.
What to do?
- Pinakamagandang gawin ay i-verify agad ang account mo.
- Kung ayaw mo mag-verify, click here para malaman paano i-claim ang funds mo.