GCash account is still not verified or pending verification
Nagre-review at nagse-send kami ng SMS updates sa verification within 3 days.
Kung matagal ang verification, pumunta sa GCash app at i-tap ang Profile > Verify Now at tingnan kung ano ang nakikita mo sa screen.
Kung lumagpas na sa 3 araw at wala pang natanggap na SMS update, click here para mag-follow up sa verification. Magre-reach out sayo ang aming support team sa loob ng 24 oras.
Kung nakikita mo ito, posible na:
- Hindi mo pa nasisimulan ang verification process
- Hindi mo natapos ang huli mong verification attempt
- Natapos mo ang proseso, pero na-reject ang pinakahuli mong application
I-tap ang Verify Now para simulan o ipagpatuloy ang process. Makakatanggap ka ng SMS update pagkalipas ng 3 araw.
May mga documents pa na kailangan mula sayo. Tap “Continue Verification” para malaman kung ano ang mga requirements. I-submit ito sa loob ng 10 araw.
Pagkatapos mong mag-submit, makakatanggap ka ng SMS update sa loob ng 4 araw.
Tandaan: Kung hindi mo nai-submit ang hinihinging documents sa loob ng 10 araw, kailangan mong simulan muli ang process.