Fully Verified pero na-downgrade sa Basic account
Lahat ng Fully Verified users kailangan regular na i-update ang info nila sa GCash. Makakatanggap ka ng reminders sa SMS at sa GCash app inbox bago ang deadline.
Pwede ma-downgrade ang GCash account mo kung hindi mo i-update ang account information mo, ayon sa requirements ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
How to Update your Account Information
- Buksan ang GCash app.
- Tap Profile > tap your name.
- Tap Update Account Information > Get Started.
- Sundin ang steps.
Kung hindi ka umabot sa deadline, ma-dodowngrade ang account mo from Fully Verified to Basic. Kailangan mong i-restart ang verification process.
Rest assured, safe pa rin ang funds mo. Kung may dues ka sa GGives, GCredit, o GLoan, pwede mong malaman kung paano magbayad sa offline partners namin dito.