Paano nagcha-charge ang GCash para sa public transportation?
Ganito nagcha-charge ang GCash para sa MRT-3 at LRT-2, depende sa payment method na gagamitin mo:
Tap to Pay and Card
MRT-3
Makakakita ka ng 3 charges para sa isang biyahe:
- Ichacharge muna ang initial fare pag tap mo sa entrance.
- Paglabas mo, ang unang fare na ito ay mare-refund.
- Pagkatapos, ichacharge ang tamang fare para sa biyahe mo.
Important reminders
- Isang card o device lang ang i-tap — huwag buong wallet o bag.
- Gamitin ang parehong card o device sa pagpasok at paglabas.
- Siguraduhing may sapat na GCash balance para maiwasan ang block at paulit-ulit na charge attempts.
- Kung Mastercard debit o credit card ang gamit mo, automatic na ichacharge ang total fare mo sa araw na iyon kapag umabot na sa PHP 250.
Kapag nag-fail ang charge:
- Mag-cash in sa iyong GCash wallet.
- I-tap ulit ang card mo sa turnstile para ma-charge ang iyong unpaid fares.
- Kapag successful ang retry, kadalasan ay ma-u-unblock ang card within 1 hour.
- Posibleng ma-block ang card, at puwedeng subukan ulit ng Mastercard o Visa na singilin ang charge nang hanggang 14 days.
- Kung kailangan mong bumiyahe agad, gumamit ng Commute QR o ibang payment method.
Commute QR
MRT-3 and LRT-2
- Una kang ichacharge ng initial fare sa simula ng biyahe.
- Kapag nakwenta na ang actual fare, ang sobrang amount ay mare-refund.
- Ang babayaran mo lang ay ang tamang fare para sa biyahe mo.
Scan to Pay
MRT-3 and LRT-2
- Isang beses lang ichacharge ang single journey ticket kapag binili mo ito.
- Makikita ito bilang isang Scan to Pay transaction sa iyong GCash activity.