Paano gamitin ang GCash Commute sa pambayad ng pampublikong transportasyon?
Ang GCash Commute QR ay nagpapadali at nagpapabilis ng pagbayad para sa inyong biyahe. Magagamit mo na ito ngayon sa MRT-3 at LRT-2.
Paalala:
Gamitin ang parehong payment method sa pagpasok at pag-exit. Kung pumasok ka gamit ang GCash Commute QR, dapat GCash Commute QR din ang gamitin mo sa paglabas.
Hindi ka pwedeng mag-switch sa Tap to Pay, GCash Card, o anumang ibang card pag-exit.
Paano i-access ang Commute QR
May tatlong paraan para buksan ang Commute QR:
- I-tap ang Commute sa home screen.
- I-tap ang View All > pumunta sa Pay, tapos i-tap ang Commute.
- I-tap ang QR sa bottom navigation bar, tapos i-tap ang Generate QR > Commute.
Note: Para sa first-time users, may lalabas na prompt para magbigay ng consent at tanggapin ang Terms & Conditions bago ma-generate ang QR.
Paano gamitin ang GCash Commute para sa public transportation:
- Sa GCash app, i-tap ang Commute.
- Pagpasok mo, i-scan ang iyong Commute QR sa validator.
- Hintayin ang green light o beep bago dumaan.
- Paglabas mo, i-scan ulit ang iyong Commute QR sa validator.
- Hintayin ang green light o beep bago dumaan sa turnstile.
Note: Commute QR lang ang pwedeng gamitin. Hindi gagana sa turnstiles ang ibang GCash QR codes.
Frequently Asked Questions
Isa itong pilot program na nagbibigay-daan para makabayad ng MRT-3 at LRT-2 fares gamit ang QR code mula sa iyong e-wallet o EMV debit, credit, o prepaid cards imbes na beep card.
For LRT-2, GCash QR codes lang ang available sa launch. Kami ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa aming partners para maidagdag ang EMV card payments in the future.
Sa ngayon, ang GCash Commute QR ang unang cashless payment option na available sa LRT-2. Mag-aanunsyo kami ng iba pang payment options kapag available na.
Oo. Magagamit mo pa rin ang iyong beep card sa lahat ng existing gates. Ang ilang gates lang ang may bagong QR/EMV readers.
Oo. Pwede mong i-check at i-screenshot ang iyong GCash Transaction History para makita kung successful ang payment.
Wala. Walang extra fee sa paggamit ng GCash Commute.
Oo. Fully verified users lang ang pwedeng gumamit ng GCash Commute.
Oo. Gumagana ang Commute sa Android at iOS phones. Sa ngayon, Android lang ang may Download QR option.
Kung iOS ang gamit mo, puwede kang mag-screenshot ng iyong QR code at gamitin iyon para makapag-tap out.
Need more Help?
Kung may issue ka sa GCash Commute, narito ang mga pwede mong gawin:
Kung hindi mo magamit ang Commute, sundin ang mga ito:
-
I-check ang GCash balance mo.
- Para sa MRT-3, kailangan mo ng at least PHP 14.
- Para sa LRT-2, kailangan mo ng at least PHP 16.50.
- Matutulungan ka ng station staff na hanapin ang nearest cash-in machine.
-
I-check ang internet connection mo.
- Kailangan mo ng internet para makagawa ng bagong QR code.
- Kung maayos ang signal mo, maghintay ng mga 12 seconds para mag-load ang QR.
- Kapag na-download mo na ang QR code, magagamit mo na ito kahit walang internet.
-
I-adjust ang screen brightness mo.
- Baka hindi ma-scan ang QR mo kung masyadong madilim ang screen.
- Taasan ang brightness ng screen mo.
-
Siguraduhing tama ang QR code na ginagamit mo.
- Commute QR code lang ang gamitin.
- Hindi gagana ang personal QR codes para sa Send Money o Scan to Pay.
-
I-check kung naka-scan in ka na.
- Makikita mo ito sa itaas ng Commute QR screen mo.
Kung nabawasan ang laman ng GCash wallet mo pero hindi ka pa rin makapasok o makalabas:
- Humingi ng tulong sa MRT/LRT staff member.
- Iche-check ng staff kung successful ang payment mo.
- Kapag confirmed ang payment, tutulungan ka nilang makapasok o makalabas ng station.
Para maiwasan ang mga problema, i-download ang QR code mo bago ang biyahe mo. Sa ganitong paraan, magagamit mo pa rin ito kahit walang internet.
Kung na-charge ka pero hindi ka pa rin nakapasok o nakalabas ng MRT-3 o LRT-2, click here to contact support. Our team will reach out within 24 hours.
Hindi mo pwedeng gamitin ulit ang QR code pagkatapos mong lumabas ng station.
Huwag mong i-share ang QR code mo kahit kanino. Para sa iyo lang ito.
Isang beses mo lang puwedeng i-scan ang QR mo para makapasok. Pagkatapos ng isang scan, pwede ka nang dumaan sa turnstile at sumakay ng train.
Kung naubusan ng battery ang phone mo o nawala ito:
-
Humingi ng tulong sa MRT/LRT staff member.
- Sabihin sa kanila ang problema mo.
-
Iche-check ng staff ang payment mo.
- Titingnan nila kung bayad ang fare mo.
-
Kapag confirmed ang payment, tutulungan ka nila.
- Tutulungan ka nilang makapasok o makalabas ng station.
Kung hindi ka nag-scan pag-exit, macha-charge ka ng maximum fare (PHP 14 para sa MRT-3 at PHP 16.50 para sa LRT-2). Laging mag-scan pag-exit para maibalik sa iyo ang anumang sobrang charge.
Na-charge ako nang maraming beses para sa commute payment ko gamit ang GCash Commute. Ano ang dapat kong gawin?
Kung na-charge ka nang mahigit isang beses para sa parehong biyahe, click here to contact support. Our team will reach out within 24 hours.
Kapag nag-tap in ka, kukunin muna ng GCash ang maximum fare (PHP 14 para sa MRT-3 at PHP 16.50 para sa LRT-2).
Kapag nag-tap out ka, iko-compute ni GCash ang tamang fare mo. Ang sobrang amount ay ibabalik sa iyo bilang change.
Matatanggap mo ang iyong refund ilang minuto pagkatapos mong mag-tap out. Para ma-check ito:
- Maghintay ng at least 5 minutes para bumalik ang extra fare sa iyong GCash.
- I-check ang iyong GCash Transaction History para sa refund.
Kung hindi mo pa rin natatanggap ang refund pagkatapos ng 5 minutes, click here to contact support.