Paano gamitin ang GCash Commute sa pambayad ng pampublikong transportasyon?
Ang GCash Commute QR ay ginagawang mas madali at mas mabilis ang pagbayad para sa inyong mga sakay. Sa ngayon, available lang ito para sa MRT-3.
Paalala:
Dapat SAME payment method ang gamitin sa pagpasok at pag-exit. Halimbawa, kung pumasok ka gamit ang GCash Commute QR, yun din dapat ang gamitin mo pag-exit. Hindi pwede magpalit sa ibang payment method like Tap to Pay, GCash Card, o ibang cards.
Paano gamitin ang GCash Commute para sa public transportation
- Sa GCash app, i-tap ang Commute.
- I-scan ang QR code sa validator habang pumapasok ka.
- Pagkalabas mo, i-scan ulit ang Commute QR mo sa validator.
- Maghintay ng confirmation bago ka dumaan sa turnstile.
Frequently Asked Questions
Ito ay isang pilot program kung saan pwede ka nang magbayad ng MRT-3 fare gamit ang QR code mula sa e-wallet mo o EMV debit/credit/prepaid card, imbes na beep card.
Oo, valid at magagamit mo pa rin ang beep card mo sa lahat ng existing gates. Yung ibang gates lang ang may bagong QR/EMV readers.
Pwede mong i-check at i-screenshot ang GCash transaction history mo para makita kung successful ang payment.
Walang extra fee kapag gumamit ka ng GCash Commute!
Hindi. Available ang feature na ito para sa basic at fully verified users.
Oo, gumagana ang Commute sa Android at iOS devices. Pero, sa ngayon, Android phones lang ang may ‘Download QR’ option.
Need more Help?
Kung hindi mo magamit ang Commute, sundin ang mga hakbang na ito:
-
Tingnan ang GCash balance mo. Siguraduhin na may at least PHP 14 ka sa GCash Wallet mo. Kung kailangan, pwede kang tulungan ng station staff papunta sa cash-in machine.
-
I-check ang internet connection mo. Kailangan mo ng stable na internet para ma-generate ang bagong QR Code. Kung stable naman ang connection mo, maghintay ng mga 12 seconds para mag-load ang QR Code. Kapag na-download mo na ang QR code, hindi mo na kailangan ang internet.
-
I-adjust ang screen brightness mo. Baka hindi ma-scan ang QR Code mo kung masyadong dim ang screen mo. Taasan ang brightness ng phone mo.
-
Siguraduhin na tama ang QR Code na ginagamit mo. Gamitin lang ang Commute QR Code. Hindi gagana ang Personal QR Codes para sa Send Money o Scan to Pay.
- Check kung naka-scan in ka na. Makikita mo ito sa taas ng Commute QR Code screen mo.
Kung na-deduct na ang GCash wallet mo pero hindi ka nakapasok o nakalabas sa station gamit ang Commute QR Code mo—maybe dahil sa scanner error o may ibang passenger na nauna—sundin ang mga hakbang na ito:
Humingi ng tulong sa MRT staff. Sabihin sa kanila ang problema mo.
Che-check nila ang transaction mo. I-validate nila kung successful ang payment.
Kung confirmed na successful, tutulungan ka nila. Tutulungan ka ng staff na makapasok o makalabas sa station manually.
Para iwas problema, i-download mo na ahead of time ang QR code para sa MRT fare mo. Ganito, magagamit mo pa rin kahit walang internet.
Kung na-charge ka na pero hindi ka pa rin makapasok o makalabas sa MRT, click here to ask for help. Hintayin ang pagcontact sayo ng GCash customer representative sa loob ng 24 oras.
Hindi mo na pwedeng gamitin ulit ang na-generate na QR code kapag lumabas ka na sa station.
Pwede mo lang i-scan ang QR code mo ng isang beses. Kapag na-scan mo na ito, pwede ka nang pumasok sa turnstiles at sumakay sa train.
Kung naubos ang battery ng phone mo o nawala ang phone mo, sundin ang mga hakbang na ito:
Humingi ng tulong sa MRT staff member.
- Sabihin sa kanila ang problema mo.
Titingnan nila ang transaction mo.
- I-validate nila kung successful ang payment.
Kung confirmed na successful, tutulungan ka nila.
- Tutulungan ka ng staff na pumasok o lumabas ng station nang manual.
Kung hindi mo na-scan when exiting, ma-charge ka ng maximum fare (Php 14). Please ensure na i-scan mo when exiting the station para ma-process ang return ng excess charge mo.
Na-charge ako ng multiple times for my commute payment using GCash Commute. Ano ang dapat kong gawin?
Kung na-charge ka ng multiple times for your commute using GCash, click here to ask for help. Hintayin ang pagcontact sayo ng GCash Customer Representative sa loob ng 24 oras.
Pag nag Tap In ka, automatic na mababawas muna ang maximum journey fare (PHP 14) sa account mo hanggang mag Tap Out ka. Pag Tap Out mo, kukuwentahin na ang tamang fare, at yung sobra sa maximum fare ay ibabalik sayo bilang “change.”
Makakakuha ka ng refund mo within a few minutes pagkatapos mo mag-scan out. Sundin mo lang ang mga steps na ito para ma-validate ang pagbalik ng excess fare mo:
- Mag-antay ng at least 5 minutes para bumalik sa GCash account mo ang excess fare
- I-check mo ang GCash Transaction History mo para makita ang reversal ng transaction mo
- Kung hindi mo pa natanggap ang excess fare mo after 5 minutes, click here to ask for help.