Paano gamitin ang GCash Scan to Pay sa pambayad ng pampublikong transportasyon?
Pwede mo na gamitin ang GCash Scan to Pay para sa mas madali at mabilis na pagbabayad sa inyong rides. Sa ngayon, available lang ito sa MRT-3.
Paalala:
Dapat SAME payment method ang gamitin sa pagpasok at pag-exit. Halimbawa, kung pumasok ka gamit ang GCash Scan to Pay, yun din dapat ang gamitin mo pag-exit. Hindi pwede magpalit sa ibang payment method like GCash Commute QR, Tap to Pay, GCash Card, o ibang cards.
Paano gamitin ang GCash Scan to Pay para sa public transportation:
- Sa inyong GCash app, i-tap ang QR
- I-scan ang QR code sa MRT habang nagbabayad
- Ilagay ang amount at i-confirm ang payment
Maghintay ng sound confirmation at ibibigay ng MRT staff ang single journey ticket kapag successful ang transaction,
Frequently Asked Questions
Kung may problema kayo sa pag-scan ng QR code, sundin ang mga hakbang na ito:
- Tingnan ang camera lens ng phone ninyo: Siguraduhin na malinis ang camera lens at walang mantsa. I-adjust ang angle para makita nang malinaw ang QR code sa frame.
- I-restart ang App: Kung hindi pa rin kaya i-scan ang QR code, i-close at buksan ulit ang GCash app, tapos subukan ulit mag-scan.
Kung napansin ninyo na na-charge kayo ng multiple times gamit ang Scan to Pay sa commute ninyo, ito ang pwede ninyong gawin:
- Tingnan ang Transaction History ninyo: I-review ang GCash transaction history para ma-confirm ang mga charges.
- I-verify ang Payment Confirmation: Siguraduhin na hindi kayo naka-receive ng multiple payment confirmations para sa same transaction.
- Makipag-ugnayan sa Customer Support: Kung na-confirm ninyo ang duplicate charges, click here to ask for help. Hintayin ang pagcontact sayo ng GCash Customer Representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa katanungan o karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles dito: