Paano gamitin ang GCash Tap to Pay sa pambayad ng pampublikong transportasyon?
Pwede mo nang gamitin ang GCash Tap to Pay para magbayad ng rides mo nang mabilis at madali. Sa ngayon, available pa lang ito sa MRT-3.
Sa LRT-2 stations, pwede kang magbayad gamit ang Commute by GCash. Nakikipag-work pa kami sa aming partners para maging available din ang Tap to Pay sa LRT-2.
Paalala:
Parehong payment method ang gamitin sa pagpasok at paglabas. Kung pumasok ka gamit ang GCash Tap to Pay, kailangan GCash Tap to Pay din ang gamitin mo paglabas.
Hindi ka pwedeng lumipat sa GCash Commute QR, Scan to Pay, GCash Card, o ibang cards.
Paano gamitin ang GCash Tap to Pay para sa public transportation:
- Siguraduhing supported ng phone mo ang NFC. Pumunta sa phone settings mo at hanapin ang NFC.
- Buksan ang GCash app mo at siguraduhing activated ang Tap to Pay.
- I-tap ang Commute.
- Sa pagpasok:
- I-tap ang phone mo sa validator.
- Hintayin ang confirmation bago dumaan sa turnstile.
- Sa paglabas:
- Buksan ang GCash app mo.
- I-tap ulit ang phone mo sa validator.
- Hintayin ang confirmation bago dumaan sa turnstile.
Frequently Asked Questions
Kung may error o hindi ka makabayad, gawin ang mga sumusunod:
- Siguraduhing naka-on ang NFC sa phone settings mo.
- Siguraduhing activated ang Tap to Pay sa GCash app mo.
Kung nabawasan ang wallet mo pero hindi ka nakapasok o nakalabas:
- Humingi ng tulong sa MRT/LRT staff.
- Iche-check ng staff kung successful ang payment mo.
- Kapag confirmed ang payment, tutulungan ka nilang makapasok o makalabas ng station.
Kung na-charge ka at hindi ka pa rin nakapasok o nakalabas ng MRT o LRT, click here to contact support. Makikipag-ugnayan ang team namin within 24 hours.
Kapag sumakay ka sa MRT-3 gamit ang Tap to Pay, makakakita ka ng 3 charges:
- Una, ma-cha-charge ka ng PHP 14 kapag nag-tap in ka at pumasok.
- Pagkatapos mong mag-tap out at makalabas, ibabalik sa wallet mo ang PHP 14.
- Pagkatapos, ichi-charge na ang actual fare ng trip mo.
Makikita ang mga ito bilang 3 separate transactions sa GCash Transaction History mo.
Kung hindi naibalik ang initial charge, o may nakita kang duplicate charges, click here to contact support. Makikipag-ugnayan ang team namin within 24 hours.
Kapag gumamit ka ng Tap to Pay sa LRT, ang fare mo ay icha-charge sa end of day. Makakakita ka ng isang charge para sa lahat ng LRT trips mo sa araw na iyon.
For more details, click here.