Paano gamitin ang GCash Scan to Pay sa pambayad ng pampublikong transportasyon?
Pwede mo na ngayong gamitin ang GCash Scan to Pay para magbayad ng iyong rides nang madali at mabilis. Pwede mo itong gamitin sa MRT-3 at LRT-2.
Paalala:
Gamitin ang parehong payment method sa pagpasok at paglabas. Kung pumasok ka gamit ang GCash Scan to Pay, dapat GCash Scan to Pay din ang gamitin mo sa paglabas.
Hindi ka pwedeng lumipat sa GCash Commute QR, Tap to Pay, GCash Card, o iba pang cards.
Paano gamitin ang GCash Scan to Pay para sa public transportation:
- Sa iyong GCash app, i-tap ang QR.
- I-scan ang QR code sa MRT o LRT kapag magbabayad ka.
- Ilagay ang pamasahe at i-confirm ang payment.
- Hintayin ang sound o confirmation. Pag successful ang payment, bibigyan ka ng MRT o LRT staff ng single journey ticket.
Frequently Asked Questions
Kung hindi mo ma-scan ang QR code, subukan ang mga sumusunod:
-
I-check ang camera mo
Siguraduhing malinis ang camera lens. Hawakan nang steady ang phone at siguraduhing malinaw at nasa loob ng frame ang QR code. -
I-restart ang app
Isara ang GCash app, buksan ito ulit, at pagkatapos ay subukang i-scan muli ang QR code.
Kung sa tingin mo ay na-charge ka nang higit sa isang beses:
-
I-check ang iyong Transaction History.
Buksan ang GCash Transaction History at i-review ang mga payment. -
I-check ang payment confirmation.
Siguraduhing wala kang natanggap na mahigit sa isang payment confirmation para sa parehong biyahe. -
Makipag-ugnayan sa Customer Support.
Kung may nakita kang duplicate charges, click here to contact support. Makikipag-ugnayan ang aming team sa loob ng 24 oras.
Kapag nag-tap in ka, kukunin muna ng GCash ang maximum fare (PHP 14 para sa MRT-3 at PHP 16.50 para sa LRT-2).
Kapag nag-tap out ka, iko-compute ni GCash ang tamang fare mo. Ang sobrang amount ay ibabalik sa iyo bilang change.
Matatanggap mo ang iyong refund ilang minuto pagkatapos mong mag-tap out. Para ma-check ito:
- Maghintay ng at least 5 minutes para bumalik ang extra fare sa iyong GCash
- I-check ang iyong GCash Transaction History para sa refund
Kung hindi mo pa rin natatanggap ang refund pagkatapos ng 5 minutes, click here to contact support.