Paano gamitin ang GCash Card sa pambayad ng pampublikong transportasyon?
You can now use your GCash Mastercard or Visa Card para magbayad ng iyong train rides nang mabilis at madali. Sa ngayon, available pa lang ito sa MRT-3.
Paalala:
Gamitin ang parehong payment method sa pagpasok at paglabas. Kung pumasok ka gamit ang iyong GCash Card, kailangan GCash Card din ang gamitin mo sa pag-exit.
Hindi ka pwedeng lumipat sa GCash Commute QR, Scan to Pay, Tap to Pay, o ibang cards.
Paano gamitin ang GCash Card sa public transportation:
- I-tap ang iyong GCash Card sa validator sa entrance.
- Hintayin ang green light o confirmation, saka dumaan sa turnstile.
- Sa pag-exit, i-tap ulit ang iyong GCash Card sa validator.
- Hintayin ang confirmation bago dumaan sa turnstile.
Frequently Asked Questions
Oo. Pwede ka ring gumamit ng Mastercard o Visa card mula sa ibang bangko. I-tap lang ang iyong card sa contactless payment terminal sa gate.
Kung luma ang EMV chip ng iyong card at hindi ito gumagana, makipag-ugnayan sa iyong bank para mapalitan ang card at magamit mo ang contactless payments.
Kung hindi mo magamit ang iyong GCash Card, i-check ang mga sumusunod:
- Wallet balance – Siguraduhing may sapat na laman ang iyong GCash wallet.
- Limits – I-check na hindi mo pa naaabot ang iyong wallet o card limits.
Kung mukhang okay naman ang lahat pero may nakikita ka pa ring error, click here to contact support. Magre-reach out ang aming team within 24 hours.
Kung na-charge ka pero hindi ka makapasok o makalabas:
- Humingi ng tulong sa MRT staff.
- Iche-check ng staff kung successful ang iyong payment.
- Kung confirmed ang payment, tutulungan ka nilang makapasok o makalabas ng station.
Kung na-charge ka at hindi ka pa rin nakapasok o nakalabas ng MRT, click here to contact support. Magre-reach out ang aming team within 24 hours.
Kapag ginamit mo ang iyong GCash Card sa pagsakay ng train, makakakita ka ng 3 charges:
- Una, macha-charge ka ng PHP 14 kapag nag-tap in ka at pumasok sa MRT-3.
- Pagkatapos mong mag-tap out at lumabas, ang PHP 14 ay ibabalik sa iyong wallet.
- Pagkatapos nito, macha-charge ang actual fare ng iyong biyahe.
Makikita ang mga ito bilang 3 magkakahiwalay na transactions sa iyong GCash Transaction History.
Kung hindi naibalik ang initial charge, o may nakita kang duplicate charges, click here to contact support. Magre-reach out ang aming team within 24 hours.