Bakit hindi agad nababawas ang payment kung gamit ang GCash Card?
Kapag nagbayad ka gamit ang GCash Card at napansin mong hindi agad nabawasan ang amount sa wallet mo, wag mag-alala. Na-delay lang ang processing ng payment dahil may kaunting aberya. Kahit successful na yung transaction sa merchant, minsan hindi agad nade-deduct sa GCash wallet mo.
Pero wag kang mag-alala, ibabawas pa rin ang tamang amount sa wallet mo. Kapag tapos na ang process, makakatanggap ka ng notification via SMS at sa GCash app inbox mo. Makikita na rin ito sa transaction history mo.
Pwede mo rin i-verify ang details ng transaction gamit ang messages mo sa app at i-compare ito sa resibo mo. Dapat tugma ang:
- Transaction date
- Amount
- Merchant (kung saan pinaggamitan mo ng card)
May katanungan pa? Tignan ang aming Frequently Asked Questions
- Bakit hindi agad na-deduct ang GCash Card transaction ko? Minsan, may konting delay sa pag-process ng transaction. Mukhang successful siya sa merchant, pero pwedeng after a while pa siya mabawas sa GCash wallet mo.
- Ano ibig sabihin ng “unsuccessful wallet deduction”? Hindi agad nabawas yung transaction sa GCash wallet mo nung ginawa mo ito, pero nai-record na ng merchant na successful yung transaction.
- Kailan mababawas yung amount sa wallet? Mababawas ‘to sa GCash wallet mo pagkatapos mong makatanggap ng notification tungkol dito.
- Paano magre-reflect to sa Transaction History? Kapag na-process na, lalabas siya sa Transaction History mo na “Recovery from GCash Card -398.00”
- I-notify ba ako bago ibawas yung amount? Yes, makakatanggap ka ng SMS, inbox message sa app, or email na may details tungkol sa deduction.
- Paano kung kulang balance ko pag nag-try ulit ang GCash na mag-deduct? Uulitin ni GCash ang pag-deduct hanggang mag-succeed. Pinapayo naming i-top up mo agad ang wallet mo para walang hassle.
- Madodoble po ba ang singil sa akin? Hindi, yung deduction na makikita mo sa Transaction History mo ay yung actual at successful na transaction lang. Na-post lang siya nang mas late.
- Paano kung may isyu pa ako sa bawas o deduction? Kung may mga transaction na mukhang hindi ikaw ang gumawa gamit ang GCash card mo, click here to learn more.