GCash Card adjustment after a purchase
Kapag nakakita ka ng “ADJUSTMENT” sa GCash Card transaction mo o nakatanggap ka ng SMS tungkol dito, ibig sabihin HINDI na-deduct yung amount sa wallet mo noong time ng purchase, kahit na nag-push through ang transaction. Pwede itong mangyari kapag delayed ang card network sa pag-send ng charge.
Normal lang ang adjustment na ito. Ito ay correction para ma-reflect sa GCash wallet mo ang tamang final amount para sa GCash Card purchase mo.