Hindi naglabas ng pera ang ATM pagkatapos kong mag-withdraw gamit ang GCash Card
Kung sinubukan mong mag-withdraw ng pera gamit ang GCash Card mo pero walang nilabas na cash ang ATM, posibleng ubos ang cash o may na-encounter na error ang ATM during the transaction.
In this case, magkakaroon ka ng refund sa GCash wallet mo sa loob ng 1-2 working days. Nakikipag tulungan ang GCash sa mga partner banks para maayos ang mga issues na ito at mabigay ang refund.
Kung na-confirm ng bank na successful ang withdrawal, magkakaroon ng investigation, at posibleng umabot ito ng 10 banking days.
Kung na-confirm ng bank na hindi successful ang withdrawal,makikita ang refunds sa GCash wallet sa loob ng 2 working days.
Kapag lumipas ang 2 working days at wala pa ring natatanggap na refund, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: