Hindi ako makapag-order ng GCash Card
Kung may makita kang error pag nagsu-submit ka ng card order o hindi mo ma-tap ang Card Order, pwede itong dahil sa:
- Hindi pa Fully Verified ang account mo – Only Fully Verified users lang ang pwedeng mag-order ng GCash Card.
- May tatlo ka nang naka-link na cards – Hanggang tatlong cards lang ang pwedeng i-link sa isang account, kasama na ang mga dati nang na-deactivate na cards.
- Kaka-order mo lang ng card kamakailan – Isang card order lang ang pwede bawat 30 days.
Kung hindi naman ito ang dahilan, subukan ang mga steps na ito:
-
I-update ang GCash App
Siguraduhing updated ang app mo sa latest version para mas stable ang performance.
- Android: Buksan ang Play Store, hanapin ang GCash, tapos i-tap ang Update kung available.
- iPhone: Buksan ang App Store, hanapin ang GCash, tapos i-tap ang Update kung available.
-
Mag-Log Out at Mag-Log In Ulit
- Makakatulong ang pag-log out at pag-log in para ma-refresh ang secure connection ng account mo.
- Mag-log out nang buo sa GCash app.
- Sa login screen, i-tap ang Change.
- Ilagay ang mobile number na registered sa GCash.
- I-enter ang Authentication Code na ipinadala sa device mo.
-
I-Force Close ang App
Makakatulong ang pag-force close ng app para ma-resolve ang temporary issues.
- Android: Pumunta sa Settings > Apps & Notifications > GCash, tapos i-tap ang Force Stop.
- iPhone: I-swipe up mula sa ibaba ng screen mo (o i-double press ang Home button), tapos i-swipe up ang preview ng GCash app para isara ito.
-
I-clear ang Cache at Data
Makakatulong ang pag-clear ng cache at data para ma-fix ang app issues na galing sa temporary files.
- Android: Pumunta sa Settings > Apps & Notifications > GCash > Storage, tapos i-tap ang Clear Data at Clear Cache.
- iPhone: Sa login screen, i-tap ang Change, ilagay ulit ang mobile number mo, then i-enter ang bagong generated na Authentication Code.