Paano makita at i-download ang GCash transaction history ko?
Pwede mong tignan ang mga recent transactions mo sa Transactions page. Para naman makita ang GCash transactions mula sa nakaraang 24 oras hanggang isang taon, pwede mong i-download ang transaction history mo. Sundin lang ang mga steps na ito:
- Sa GCash app, pindutin ang Transactions
- Mag-scroll sa ibaba ng Transactions page, at i-click ang Request transaction history
- Piliin ang date range na gusto mo o pumili ng specific na petsa
- Pindutin ang Submit Request
Ipapadala ang transaction history mo sa GCash-registered email address, na makikita rin sa itaas ng page.
Paalala: Hindi mo pwedeng i-delete ang mga item sa GCash transaction history mo.
Kung walang natanggap na email, siguraduhing updated ang email address mo at i-check ang Spam folder. Pwede mong subukang i-download ulit ang transaction history mo, o click here to ask for help.. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 1-2 working days.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: