QR code error "Payment confirmation in progress"
Kung makita mo itong error pagkatapos mong mag-scan ng QR code, ibig sabihin, kino-confirm pa yung transaction mo.
Pwede itong mangyari kung may delay sa merchant o sa payment system. Baka hindi agad lumabas ang payment sa transactions mo habang chine-check pa.
What to do while waiting
- I-screenshot ang error.
- Ipakita ang error sa merchant. Pwede nilang i-confirm yung payment o magpagamit ng ibang payment method.
- I-check ang transaction history mo o SMS confirmation para sa "Adjustment" within 24 to 72 hours.
Need more help?
Maaaring mag-iba ang adjustment/reversal timeline depende sa ginamit na payment method.
Kung GCash Balance ang ginamit mo at wala kang natanggap na SMS o wala kang nakitang adjustment pagkalipas ng 72 oras, click here para mag-contact ng support.
Kung nagbayad ka via GGives o GCredit, asahan ang adjustment sa loob ng 3-5 business days pagkatapos ng merchant confirmation. Hindi ka sisingilin ng interest para sa mga na-reverse na payments. Ibabalik ang amount sa credit limit mo at aalisin ito sa active loans mo.