Paano i-upgrade ang GCash wallet at transaction limits
Gusto mo bang taasan ang GCash wallet at transaction limits mo? Alamin kung paano:
Increase your limit to PHP 100,000
Magpa-fully verify ng account para tumaas ang limits mo. Alamin kung paano i-verify ang account mo.
Increase your limit to PHP 500,000
Ito ang mga requirements:
- Dapat 18 years old pataas ka.
- Ang account mo ay dapat gumagamit ng Philippine-issued mobile number.
- Ang account mo ay dapat fully verified.
- Regular mong gamitin ang app para sa daily purchases, bills payment, at money transfers.
Paalala: Ang wallet limit upgrades ay subject sa regular risk evaluation. Siguraduhing palagi mong sinusunod ang GCash Terms and Conditions para manatili kang eligible.
Hindi ko nakitang automatic na na-upgrade ang wallet limit ko. Ano ang mga transactions na pwede gawin?
Pwede mong gawin ang alinman sa mga sumusunod:
- I-link ang iyong BPI, UnionBank, Payoneer, o PayPal account, tapos mag-cash in ng kahit hindi bababa sa PHP 100.
- Gumawa ng GSave account with CIMB, UnoBank, Maybank, o Cebuana Lhuillier Bank. Mag-deposit ng at least PHP 100 at panatilihin ito sa account mo nang hindi bababa sa 5 business days.
- Gumawa ng GFunds account at mag-invest ng at least PHP 100 sa BPI o ATRAM fund. Panatilihin ang investment nang hindi bababa sa 5 business days.
Maghintay ng 5 business days bago i-check kung na-upgrade na ang limit mo.
If your limit is still not updated
Sundin ang mga steps na ito:
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
- I-tap ang Help sa upper right corner, tapos i-tap ang Get Help.
- Sa ilalim ng Help Articles, i-tap ang How can I increase my GCash wallet limit and transaction limits?
- I-tap ang Chat with Gigi at sundin ang mga instructions.