Ano ang GCash Account Ownership Limit?
Ang Account Ownership Limit ay ang rule na nagsasabi kung ilan lang na GCash wallets ang pwede mong i-register sa isang pangalan. Lahat ng users, pwede magka-max ng limang (5) fully verified personal GCash accounts. Base sa GCash Terms and Conditions, hindi ka pwedeng gumawa, gumamit, or mag-access ng extra account kapag na-reach mo na ‘yung limit.
Frequently Asked Questions
Ilan ang GCash Accounts na pwede ko magkaroon?
Maximum na 5 fully-verified accounts lang ang pwede under your name.
Paano ko malalaman kung sobra-sobra na ‘yung GCash accounts ko?
Makaka-receive ka ng SMS at message sa GCash app na lumagpas ka na sa 5 accounts.
Gusto ko malaman kung ano ang mga GCash numbers na naka link sa pangalan ko.
Sa GCash app, pwede kang makipag-chat kay Gigi at i-type ang “Get my linked accounts” para humingi ng listahan ng mga account na nakalink sa pangalan mo. Para ma-verify talaga na ikaw ‘to, kailangan mo mag-upload ng mga sumusunod na dokumento:
- Isang valid government-issued ID (yung tanggap ng GCash)
- Selfie na hawak mo ang government-issued ID mo
Ano mangyayari kapag sobra sa 5 ang GCash accounts ko?
Pipiliin mo kung alin sa 5 fully-verified accounts ang gusto mong i-keep at alin ang ide-deactivate.
Paano kung hindi ako pumili?
May 60 days ka after ng notice para mag-decide. Kapag hindi ka pumili, automatic na irerestrict ni GCash ang sobrang accounts batay sa mga ito:
- Pinaka-hindi mo ginagamit
- May zero balance
- Walang active loan na naka-link
✅ Para magpatuloy kang magamit ang mga paborito mong GCash accounts, kailangan mong i-deactivate o isara yung mga accounts na hindi mo na kailangan o hindi mo na ginagamit, at gawin ito sa loob ng tinakdang User Selection Period.
Para sa kalinawan:
On or before August 31, 2025 | Maaari mong piliin kung aling mga account na lumalagpas sa limit na 5 account ang iyong idi-deactivate |
Simula September 1, 2025 | GCash will automatically restrict access to any of your GCash Accounts exceeding the 5-account limit. |
Ano’ng dapat gawin bago mag-deactivate ng extra account?
- Bayaran lahat ng loans (GLoan, GCredit, GGives, Borrow Load)
- Claim/complete refunds
- I-withdraw ang funds sa GSave, GInvest, GCrypto, GStocks
- Cash out ang wallet balance
Hindi made-deactivate kung hindi mo ito natapos.
Paano ang funds na naiwan sa restricted account?
Safe pa rin ang pera mo pero di ka na makaka-login. Pwede kang mag-request mag-transfer ng balance sa active account mo.
Ano mangyayari sa mga services (GFunds, GSave, GPO, GInsure, GCash Card) ng deactivated account?
- Investments/Savings: Pwede i-transfer sa verified account mo
- GPO: Pwede ilipat ang business account
- Online Payments: Di na gagana pag restricted. Update mo info mo sa mga naka-link.
- GInsure: Active pa rin kung fully paid.
- GCash Card: Active pa card pero di na magagamit.
May exception ba sa five-account rule?
Wala, panglahat ang 5-account limit.
Pwede ko ba ulit gamitin restricted account?
- Kailangan mo munang ideactivate ang sobra para di lalagpas sa 5.
- Pwede nang i-request i-reactivate ‘yung dati mong account.
Pwede bang gamitin ng family member ang extra account ko?
- I-deactivate mo muna ang GCash account mo. I-click ito para matuto kung paano mag deactivate ng GCash Account.
- Pag deactivated na, pwede nang irehistro ng family member gamit ID at required docs (need compliance sa SIM Registration Act).
Gaano katagal bago madeactivate ang account?
Maximum of 14 calendar days kapag na-submit na lahat ng requirements.
Anong IDs ang tinatanggap ng GCash?
Tingnan dito ang list ng accepted government IDs.