Paano mag-request ng transaction history
Makikita mo ang transactions mo for the past 90 days sa GCash app.
Para makita ang recent transactions:
- I-tap ang Transactions.
- Mag-scroll down at i-tap ang Load More.
- Maglo-load ang transaction history mo ng 15 transactions at a time.
Para makita ang older transactions hanggang 4 years:
- I-tap ang Transactions.
- Mag-scroll down at i-tap ang Request transaction history.
- I-check kung tama ang email address mo at i-update ito kung kailangan.
- Piliin ang date range mo, hanggang 4 years.
- I-tap ang Submit Request.
- Makakatanggap ka ng email na may subject na Your GCash Transaction History.
- Para mabuksan ang file, ilagay ang last name mo at ang last 4 digits ng mobile number mo. Halimbawa: delacruz1234
Helpful tip
- Kung hindi mo na-receive ang email, i-check ang Spam o Junk folder mo, o i-submit ulit ang request mo.
- Siguraduhin din na hindi full ang inbox mo para makareceive ka ng new emails. Kung gusto mong matanggap ang file sa ibang email address, i-update muna ang email address mo sa app.
- Kung hindi mo ma-click ang button o mabuksan ang document na sinend sa email mo, click here to contact support. Magre-reach out ang team namin sa iyo within 24 hours.
Paalala:
Pwede mo lang i-request ang sarili mong transaction history sa app. Hindi ka pwedeng mag-request ng history ng ibang account o mag-delete ng transactions mula sa history mo.