Paano mag-request ng transaction history
Bago ka magsimula
- Kung may concern ka tungkol sa isang transaction, mag-refer dito.
- Kung gusto mong i-transfer ang funds mo sa bagong account, mag-refer dito.
Para makita ang mga recent transaction
Makikita mo sa GCash app ang mga transaction mo sa nakalipas na 90 days.
- I-tap ang Transactions.
- Mag-scroll pababa, pagkatapos ay i-tap ang Load More.
- Lalabas ang 15 transaction sa bawat pag-load.
Para mag-download ng mas lumang transaction history
Note:
Sarili mong transaction history lang ang pwede mong i-request sa app. Hindi ka pwedeng mag-request ng transaction history ng ibang account o mag-delete ng transaction history.
- I-tap ang Transactions.
- Mag-scroll pababa, pagkatapos ay i-tap ang Request transaction history.
- Tingnan kung tama ang email address mo. Para palitan ito, sundin ang mga steps dito.
- Pumili ng petsa na sakop ng hanggang 4 na taon.
- I-tap ang Submit Request.
- Buksan ang email na may subject na “Your GCash Transaction History.”
- I-download at buksan ang naka-attach na PDF.
- Ilagay ang iyong apelyido na lowercase, kasunod ang huling 4 na digit ng mobile number mo. Halimbawa: delacruz1234
- Kung may special character na “ñ” ang apelyido mo, palitan ito ng “n.”
Need more help?
Kung hindi mo natanggap ang email
- Tingnan ang Spam o Junk folder.
- Siguraduhing hindi puno ang inbox mo.
- Kung gusto mong matanggap ang file sa ibang email address, palitan muna ang email address mo sa GCash app.
Kung natanggap mo ang email pero hindi mo mabuksan ang PDF
- Mag-download ng PDF viewer app sa phone mo.
- Siguraduhing tama ang password na inilagay mo.
- Gamitin ang apelyido mo na lowercase, kasunod ang huling 4 na digit ng mobile number mo.
- Halimbawa: delacruz1234
Kung may app error o lumabas ang “Something went wrong”
- Isara ang GCash app.
- Mag-log in ulit.
- Pumunta sa Transactions para tingnan kung lumalabas ang transaction.