Ano ang mga gagawin para maging Fully Verified ang GCash account ko?
Alamin kung ano ang mga requirements at process para maging Fully Verified ang GCash account mo within 3 araw. Sundan ang step-by-step instructions for verification kung ikaw ay isang Filipino citizen, isang minor, o foreign national.
Verification requirements
Isang valid government ID. Siguraduhin na HINDI damaged o expired ang ID.
Posibleng kailanganin din ng minors o foreign nationals na mag-submit ng additional documents.
Paano mag-verify ng GCash account
Tignan kung anong sitwasyon ang pwede sa iyo para malaman kung paano mag-Fully Verify ng GCash Account:
- Sa GCash app, i-tap ang Profile > Verify Now
- Pindutin ang Get Started
- Basahin ang mga requirements at reminders. I-tap ang Next
- Ilagay ang 6-digit authentication code na matatanggap sa mobile number. Pindutin ang Next
- Ilagay ang birthday at i-confirm kung isa kang Filipino citizen. I-tap ang Next
- Piliin ang government ID na gusto mong i-submit para sa verification. I-tap ang Select ID
- Mag-scan ng ID at kumuha ng selfie
- I-review ang account information at pindutin ang Submit
Mapupunta ka sa page para i-confirm ang application mo para maging Fully Verified.
Paalala: Para mapagpatuloy ang verification, siguraduhin na Fully Verified GCash user ang magulang mo..
- Sa GCash app, i-tap ang Profile > Verify Now
- Pindutin ang Get Started
- Basahin lahat ng requirements at reminders. Pindutin ang Next
- Ilagay ang 6-digit authentication code na ipinadala sa mobile number. Pindutin ang Next
- Ilagay ang birthday at i-confirm na isa kang Filipino citizen. Pindutin ang Next
- Piliin ang government ID na gusto mong i-submit para sa verification. Pindutin ang Select ID
- Mag-scan ng ID at kumuha ng selfie
- I-review ang account information at i-tap ang Confirm
- Mag-upload ng selfie ng magulang mo na hawak ang ID mo at isang photo ng original o copy ng PSA Birth Certificate
- I-review ang account information at pindutin ang Submit
Mapupunta ka sa page para i-confirm sa application mo para maging Fully Verified.
Paalala: Para mapagpatuloy ang verification, siguraduhin na nasa iyo ang Alien/Immigrant Certificate of Registration mo.
- Sa GCash app, i-tap ang Profile > Verify Now
- Pindutin ang Get Started
- Basahin lahat ng requirements at reminders. I-tap ang Next
- Ilagay ang 6-digit authentication code na ipinadala sa mobile number. I-tap ang Next
- Ilagay ang birthday at pillin ang nationality mo. Pindutin ang Next
- Piliin ang Alien Certificate of Registration bilang government ID na ipapasa para sa verification. I-tap ang Select ID
- Mag-scan ng ID at kumuha ng selfie
- I-review ang account information at pindutin ang Submit
Mapupunta ka sa page na kukumpirma sa application mo para maging Fully Verified.
Posibleng umabot ng 3 araw ang update tungkol sa verification status mo.
Kung isa kang Filipino GCash user na may non-Philippine issued SIM, click here para makapag-Fully Verify ng iyong GCash account overseas.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: