Track or follow up GCash Card delivery
Ang delivery time ng GCash Card ay depende sa address mo:
- Within NCR: hanggang 10 business days
- Outside NCR: hanggang 13 business days
Makakatanggap ka ng SMS na may tracking number. Maaari mo itong gamitin para i-track ang delivery mo sa website ng courier. Kung wala ka pang tracking number, ibig sabihin pinoproseso pa ang card mo.
GCash Card Couriers:
Returned Orders
Maaring subukan ng courier na i-deliver ang card mo nang hanggang 3 beses, maliban na lang kung hindi makita ang address mo o wala ito sa service area nila. Maaari mong i-check ang delivery attempts sa website ng courier gamit ang tracking number na ipinadala sa iyo via SMS.
Kung hindi na-deliver ang card mo pagkatapos ng 3 attempts dahil walang tumanggap, ibabalik ang card at hindi na ito mare-refund. Maaari kang umorder ulit ng bagong card 30 days pagkatapos ng huli mong order.
Cancelled Orders
Kung na-cancel ang order mo, makakatanggap ka ng PHP 250 refund within 2 days.
Maaaring ma-cancel ang order mo dahil sa mga sumusunod:
-
Out of Delivery Area: Regular na ina-update ng courier partners namin ang mga lugar na kaya nilang i-deliveran. Posibleng ma-cancel ang order mo kung hindi nila kayang mag-deliver sa address mo.
Ano ang pwedeng gawin: Gumamit ng ibang address kapag umorder ka ulit. Maaari kang umorder ng bagong card 30 days pagkatapos ng huli mong order.
-
Name Errors: Hindi pinapayagan ang mga special characters sa GCash Card.
Ano ang pwedeng gawin: Bago ka umorder ulit, i-update muna ang ID mo sa GCash app. Pumunta sa Profile > tap your name > Update Account Information. Maaari kang umorder ng bagong card 30 days pagkatapos ng huli mong order.
Kung lampas 15 days na at in transit pa rin ang card mo, click here to contact support.