Nawala o nanakaw ang GCash Card ko
Kung nawala o nanakaw ang GCash Card mo, gawin kaagad ang mga steps na ito:
- Buksan ang GCash app at i-lock ang card para ma-block ang kahit anong transactions.
- I-report na nawala o nanakaw ang card para mapanatiling safe ang funds mo. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
- I-review ang recent transactions para masigurado na walang unauthorized activity na naganap.