Delete o isara ang account ko
Kung gusto mong mag-request na i-delete ang iyong GCash account:
- Mawawala ang access mo sa lahat ng services ng GCash, kabilang ang cards, insurance, savings, at investments.
- Hindi ka na makakapag-log in sa iyong account.
- Ide-delete ang iyong data pagkalipas ng limang taon, as required by law (R.A. 9160).
Mga kailangang gawin bago isara ang iyong account
- I-withdraw ang iyong investments sa GFunds, GCrypto, GBonds, o GStocks papunta sa iyong GCash wallet.
- Bayaran nang buo ang lahat ng natitirang balanse at loan sa GLoan, GGives, GCredit, at Borrow Load.
- I-withdraw ang lahat ng laman ng iyong GCash wallet.
Steps para mag-request ng account deletion
May dalawang paraan para mag-request ng account deletion. Piliin ang option na applicable sa iyo:
Kung may access ka pa sa iyong GCash account
- Mag-log in sa GCash app.
- I-tap ang Profile, pagkatapos ay i-tap ang iyong pangalan.
- Mag-scroll sa ibaba ng page na Account Information, pagkatapos ay i-tap ang Delete Account.
- Make sure nakumpleto mo na ang lahat ng kailangang gawin, pagkatapos ay i-tap ang Delete Account.
- I-tap ang Proceed. Ire-redirect ka sa Chat with Gigi. Sundin ang mga instructions.
Kung wala ka nang access sa iyong GCash account
- Buksan ang GCash app.
- Sa login screen, i-tap ang Help Center.
- Sa search bar, i-type ang delete or close my GCash account.
- I-tap ang link para buksan ang article.
- I-tap ang Chat with Gigi, pagkatapos ay sundin ang mga instructions.
Paalala: Maaaring umabot ng 7 calendar days ang pagproseso matapos naming makumpirmang wala ka nang natitirang balanse sa GCash.
Privacy Notice: Gagamitin lamang ang impormasyong ibibigay mo para sa pag-verify ng iyong identity at pagproseso ng iyong request na i-delete ang account. Kapag na-validate na ang iyong identity at nakumpleto mo na ang form, ipoproseso namin ang pag-delete ng iyong GCash account.