Nakatanggap ako ng email tungkol sa account inactivity
Regular na nire-review ng GCash ang accounts na matagal nang inactive. Kapag ang GCash-registered mobile number mo ay walang incoming o outgoing transactions for more than 24 months, ise-schedule na for closure ang account.
Nakatanggap ako ng email tungkol sa inactivity, pero hindi naman ako ang nag-register ng email ko sa GCash.
Posibleng maling nailagay ng may-ari ng mobile number ang email address mo noong nag-register o nag-update sila ng account details nila. Maaari mo lang i-ignore ang email. Dahil hindi sa’yo ang GCash account na naka-link sa number na iyon, wala kang kailangang gawin.
Kailan ako dapat gumawa ng transaction para manatiling active ang GCash account ko?
Mag-cash in on or before June 10, 2026 para maiwasan ang account deactivation.
Counted ba bilang transaction ang pag-log in?
Hindi. Ang pag-log in o pagbukas ng app ay hindi counted bilang transaction. Kailangan mong mag-cash in para manatiling active ang account mo.
Kapag na-deactivate na ang account ko, paano ko ito mare-reactivate?
Hindi na namin mare-reactivate ang deactivated account. Kailangan mong mag-register ulit sa GCash gamit ang parehong mobile number.
Hindi ako nakagawa ng transaction bago ang deadline. Ano ang mangyayari sa account ko?
Made-deactivate ang GCash account mo pagkatapos ng June 10, 2026. Makakatanggap ka ng notice kapag naisara na ang inactive mong account.