Lock my account
I-secure ang wallet mo by temporarily locking your GCash account. Alamin pa ang tungkol sa Lock My Account sa ibaba:
Mga dapat tandaan bago pansamantalang i-lock ang iyong account
- Hindi ka makakapag-log in habang naka-lock ang iyong account.
- Magpapatuloy pa rin ang mga naka-schedule na deduction para sa GCash loans mo ayon sa aming Terms and Conditions.
- Maaari mo pa ring i-unlock ang iyong account sa pamamagitan ni Gigi. Alamin kung paano i-unlock ang account mo dito.
Paano pansamantalang i-lock ang iyong GCash account
Para sa Fully Verified users
May dalawang paraan para ma-access ang Lock My Account feature:
Option 1: Via Security Center
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
- I-tap ang Profile > Security Center.
- I-tap ang Lock My Account.
- I-tap ang “Yes, Lock My Account” para mag-confirm.
- Kumpletuhin ang verification process kay Gigi.
- Kapag na-verify na ang iyong identity, ico-confirm ni Gigi na naka-lock na ang iyong account. Makakatanggap ka rin ng email confirmation sa iyong GCash email address.
Option 2: Via the login page
- Buksan ang GCash app.
-
Sa login page, i-tap ang Lock My Account.
- I-tap ang “Yes, Lock My Account” para mag-confirm.
- Kumpletuhin ang verification process kay Gigi.
- Kapag na-verify na ang iyong identity, ico-confirm ni Gigi na naka-lock na ang iyong account. Makakatanggap ka rin ng email confirmation sa iyong GCash email address.
Para sa Basic account users
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
- I-tap ang Profile > Security Center.
- I-tap ang Lock My Account.
- I-tap ang “Yes, Lock My Account” para mag-confirm.
- Kumpletuhin ang verification process kay Gigi at ihanda ang mga sumusunod:
- Larawan ng iyong government-issued ID
- Selfie kasama ang iyong ID
- Gagawa si Gigi ng ticket para sa iyo.
- Makakatanggap ka ng email within 24 to 48 hours tungkol sa status ng iyong account lock request.
Related articles