Hindi ma-link ang debit o credit card sa GCash
Ang feature na ito ay currently available pa lamang sa Android users. Unti-unti itong magiging available sa iba pang user.
Kung hindi mo ma-link ang iyong Visa o Mastercard debit o credit card, i-try ang mga sumusunod:
1. I-check kung pwedeng gamitin ang iyong card
- Dapat Visa o Mastercard ang iyong card.
- Supported ang mga sumusunod na Mastercard issuer:
- BPI
- BDO
- Metrobank
- UBP
- PNB
- RCBC
- EWB
- CBC
- PBA
- Zed
- MariBank
- Supported ang lahat ng Visa-issued card, kahit anong bangko pa ito.
- Supported ang mga sumusunod na Mastercard issuer:
- Hindi supported ang mga Visa o Mastercard card na issued ng GCash, kasama ang mga GCash co-branded Visa card.
2. Ayusin ang card settings
- Siguraduhing activated ang iyong card.
- I-enable ang e-commerce o online payments sa settings ng iyong banking app.
3. I-check ang iyong GCash account at app
- Dapat Fully Verified ang iyong GCash account.
- Dapat updated ang GCash app.
- Siguraduhing stable ang iyong internet connection, gamit man ang data o Wi-Fi.
4. Subukan i-link ulit ang card
- Isara at buksan ulit ang GCash app.Subukan ang alinman sa mga sumusunod na path:
- Profile > My Linked Accounts > Add a Card
- Cash In > Link a Debit or Credit Card
- Ilagay ang mga detalye ng iyong card at hintayin ang OTP o prompt mula sa iyong bangko.
5. I-contact ang iyong bank
- Kung dine-decline pa rin ang card o hindi ka nakakatanggap ng OTP, makipag-ugnayan sa iyong card issuer.
- Tanungin kung pwedeng payagan ang ganitong uri ng transaction.
Kung hindi mo pa rin ma-link ang iyong card, click here to contact support. Makikipag-ugnayan sa iyo ang aming team sa loob ng 24 oras.