Paano i-manage ang naka-link na debit o credit card
Pwede kang mag-link ng eligible na Visa o Mastercard debit o credit card sa GCash. Magagamit mo ito sa pagbabayad sa pamamagitan ng pag-scan ng QRPH code gamit ang Scan QR.
Note: Ang feature na ito ay currently available pa lamang sa Android users. Unti-unti itong magiging available sa iba pang user.
Bago magsimula
Siguraduhin na:
- Fully Verified ang iyong GCash account.
- May eligible kang Visa o Mastercard debit o credit card. Hindi pwedeng gamitin ang mga Visa o Mastercard card na issued o co-branded ng GCash.
- May maayos kang internet connection at makakatanggap ka ng OTP o security prompt mula sa iyong bangko.
- Naka-enable ang e-commerce o online payments para sa iyong card sa iyong card provider.
Mag-link ng debit o credit card
May tatlong paraan para mag-link ng card.
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
- I-tap ang Profile > My Linked Accounts.
-
I-tap ang Credit/Debit Cards.
- Basahin at tanggapin ang Terms and Conditions.
- Ilagay ang mga detalye ng iyong card, pagkatapos ay i-tap ang Confirm.
- Ilagay ang OTP o kumpletuhin ang security check ng iyong bangko.
-
Sa home screen ng GCash, i-tap ang Cash In.
-
I-tap ang Link your Debit or Credit card.
- Basahin at tanggapin ang Terms and Conditions, pagkatapos ay i-tap ang Add a Card.
- Ilagay ang mga detalye ng iyong card at kumpletuhin ang security check ng iyong bangko.
Kung naka-link na ang iyong card
- I-tap ang QR at i-scan ang QRPH code ng merchant.
- Sa payment screen, piliin ang naka-link mong Visa o Mastercard card.
- Suriin ang halaga ng babayaran at anumang convenience fee.
- I-tap ang Pay at kumpletuhin ang security check na hinihingi ng iyong bangko o device.
- Hintayin ang payment confirmation.
Kung hindi pa naka-link ang iyong card
- I-tap ang QR at i-scan ang QRPH code ng merchant.
-
Sa payment screen, i-tap ang Add sa ilalim ng Payment Methods.
- Basahin at tanggapin ang Terms and Conditions.
- Ilagay ang mga detalye ng iyong card at kumpletuhin ang security check ng iyong bangko.
Pagkatapos ma-link, lalabas ang iyong card bilang linked payment method. Pwede mo itong gawing default card o alisin anumang oras.
I-manage ang iyong naka-link na card
Pwede mong piliin kung aling naka-link na Visa o Mastercard card ang gagamitin bilang default kapag nagbabayad gamit ang Scan QR.
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
- I-tap ang Profile > My Linked Accounts.
- I-tap ang Credit/Debit Cards.
- Piliin ang card na gusto mong gawing default.
- I-on ang Set as default payment method.
- I-tap ang Confirm Changes.
May lalabas na confirmation message kapag na-set na ang default card. Pwede ka pa ring pumili ng ibang naka-link na card bago makumpleto ang payment.
Kung marami kang naka-link na card, pwede mong piliin kung aling card ang gagamitin sa isang transaction.
- I-scan ang QRPH code ng merchant.
- Sa payment screen, i-tap ang Switch Card.
- Piliin ang Visa o Mastercard card na gusto mong gamitin.
- Suriin ang payment details at i-tap ang Pay.
Ang napiling card ay gagamitin lamang sa transaction na iyon, maliban kung ise-set mo ito bilang default card.
- Buksan ang GCash app at mag-log in.
- I-tap ang Profile > My Linked Accounts.
- I-tap ang Credit/Debit Cards.
- Piliin ang card na gusto mong alisin.
- I-tap ang Unlink Card at kumpirmahin.
Kapag successful na na-unlink, hindi na lalabas ang card sa iyong mga linked payment method.
Ang pag-unlink ng card ay hindi nagsasara ng iyong bank account o nagkakansela ng iyong card. Pwede mong i-link muli ang parehong card kung eligible pa rin ito.
Important reminders
- Maaaring may convenience fee ang ilang transaction. Makikita ito bago mo kumpirmahin ang payment.
- Siguraduhing may sapat na available balance o credit ang iyong naka-link na card.
- Maaaring humingi ang iyong bangko ng karagdagang verification tulad ng OTP, biometrics, o security app prompt.