Hindi makapagbayad gamit ang naka-link na debit or credit card
Pwedeng hindi matuloy ang bayad kapag gumagamit ka ng naka-link na Visa o Mastercard debit o credit card sa pag-scan ng QR.
Common reasons and what you can do
-
Hindi available ang card payment para sa merchant. Kung makita mo ang alinman sa mga prompts na ito, mag-try ng ibang payment method.
If you’re a GCash Tourist user, pwede kang mag-cash in through an international bank partner o Pwede ka ring magbayad gamit ang physical credit o debit card sa pamamagitan ng pag-tap o pag-insert nito.
-
Kulang ang balance o credit limit. Tingnan ang available balance o credit limit ng iyong card.
- Hindi inaprubahan ng iyong bangko ang bayad. Makipag-ugnayan sa iyong bangko para malaman kung may limit o naka-block na transaction.
- Hindi nakumpleto ang OTP o security check. I-try muli at kumpletuhin ang needed verification.
- Temporary GCash, bank, or card network issue. I-check ang iyong internet connection at i-try muli mamaya.
Need more help?
Piliin ang sitwasyong match sa iyong transaction.
Tingnan ang Credit/Debit Card Transaction History.
- Kung nakalagay na Pending o Processing ang payment, kino-confirm pa ng card-issuing bank ang iyong transaction. Hintaying mag-update ang status.
- Kung hindi lumalabas ang payment sa iyong transaction history, failed ang payment. I-try magbayad muli.
Kung nagbayad ka gamit ang naka-link na credit o debit card, tingnan muna ang app ng iyong bangko. Ang Credit/Debit Card Transaction History ng iyong bangko ang pangunahing reference para malaman kung na-charge ang iyong card.
Tingnan ang iyong bank app kung may charge na match sa halaga at petsa ng payment. Maaaring lumabas ito bilang “GCash [Merchant Name]”.
Tingnan ang status ng transaction:
Posted/Completed: Na-charge ang iyong card. Sundin ang mga hakbang sa ibaba:
- Ipakita sa merchant ang mga detalye ng transaction:
- Merchant name
- Amount
- Transaction date
- Transaction status
-
I-ask ang merchant na tingnan kung natanggap nila ang payment.
Kung confirmed ng merchant ang payment, maaari mong ituloy ang iyong purchase.
Kung hindi confirmed ng merchant ang payment at kailangan mong makumpleto ang purchase, tanungin kung kailangan mong magbayad muli. Bago gumawa ng panibagong payment, tingnan ang status ng transaction sa iyong card para maiwasan ang duplicate charge.
Pending: Hintaying makumpleto ang payment.
No transaction found: Maaaring hindi na-charge ang iyong card. Tingnan ang iyong GCash Transaction History para sa payment o receipt. Kung hindi lumalabas ang payment, tanungin ang merchant kung dapat mong subukang magbayad muli.
Kung nakalagay sa app ang Transaction Failed, tingnan ang transaction history sa iyong bank app para ma-confirm kung may nabawas na funds.
Kung na-charge ang iyong card pero hindi nakumpleto ang payment
Tingnan ang iyong bank o card app para malaman kung ang transaction ay Pending o Posted/Completed.
Kung Pending, maaaring authorization hold lamang ito. Kung hindi nakumpleto ang payment, dapat ma-release ang hold ayon sa processing timeline ng nag-isyu ng iyong card.
Kung Posted/Completed, click here to contact support. Iche-check ng aming team ang status ng payment at tutulungan ka sa mga susunod na steps.
Paalala:
Hindi kailanman hihingin ng GCash ang buong card number, CVV, expiry date, OTP, o MPIN mo. Huling 4 na digit lang ng iyong card ang ibigay kapag nag-report ng concern.
Makipag-ugnayan agad sa card issuer o bangko mo para i-report ang transaction.
Ang card issuer ang responsable sa pag-investigate ng mga unauthorized card transactions sa card. Maaari rin silang magsimula ng dispute ayon sa mga patakaran ng Visa o Mastercard.