Report unauthorized transactions sa GCash account
Kung may transactions ka sa GCash na hindi ikaw ang gumawa, sundan ang mga steps na ito:
- I-check kung saan pa naka-link ang GCash mo: Baka may subscriptions ka sa App Store, Google Play Store, Netflix, Spotify, at iba pa na GCash ang payment method.
- Palitan ang MPIN mo: I-secure ang account mo sa pag-reset ng MPIN.
- I-report ang transaction sa loob ng 15 araw mula sa transaction date. Click here para mag-file ng report.
Anong mangyayari pagkatapos kong mag-report?
Pwedeng umabot ng 48 hours hanggang 7 days ang investigation, depende sa case mo.
Hintayin ang updates sa ticket mo via email o sa GCash app. Sa GCash app, tap Help > My Support Tickets.