Report unauthorized transactions sa GCash account
Kung may transactions ka sa GCash na hindi ikaw ang gumawa, sundan ang mga steps na ito:
- I-check kung saan pa naka-link ang GCash mo: Baka may subscriptions ka sa App Store, Google Play Store, Netflix, Spotify, at iba pa na GCash ang payment method.
- Palitan ang MPIN mo: I-secure ang account mo sa pag-reset ng MPIN.
-
I-report ang transaction within 15 days mula sa transaction date sa pamamagitan ng pakikipag-chat kay Gigi.
- Siguraduhing updated ang GCash app mo sa latest version.
- Mag-log in sa GCash app mo, then tap Get Help.
- I-tap ang "I noticed unauthorized transactions in my GCash account."
- I-tap ang Chat with Gigi.
Anong mangyayari pagkatapos kong mag-report?
Pwedeng umabot ng 48 hours hanggang 7 days ang investigation, depende sa case mo.
Hintayin ang updates sa ticket mo via email o sa GCash app. Sa GCash app, tap Help > My Support Tickets.