Anong mangyayari kung hindi Fully Verified ang GCash account ko?
Importante ang pag-verify ng GCash account para maka-access sa mga services nito at para sa security mo. Makakakuha ka ng notification mula sa GCash para i-verify ang account mo isang buwan matapos mong gawin ang GCash account mo.
Ayon sa rules and regulations ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dapat i-verify ng GCash users ang kanilang account sa loob ng 12 buwan. Kapag hindi mo ito na-verify, posibleng magkaroon ng account maintenance fees o posibleng magsara ang account mo.
Ito ang mga posibleng mangyari kapag hindi mo na-fully verify ang GCash account mo:
Basic services lang ang magagamit mo kapag hindi Fully Verified ang account mo. Ito ang ilan sa mga basic services:
- Cash In
- Pay Bills
- Buy Load
- Offline Cash-In
- Receive Money
Para malaman ang mga features ng isang Fully Verified GCash account, click here.
Pag lumipas ang 12 buwan at hindi ka pa verified:
1. Kung Zero ang GCash Wallet Balance Mo
- I-clo-close ang iyong account.
2. Kung May Natitirang Pera sa GCash Wallet Balance Mo:
- Magiging temporarily suspend o ire-restrict and account mo. Hindi ka makakapag-login o gagamit ng GCash services.
- Mag-a-apply ang Basic Account Maintenance Fee monthly fee para manatiling aktibo ang account sa system namin.
- Ang charges ay depende sa kung gaano katagal hindi verified ang account. Mag-sisimula ang charging kapag ang account ay suspended na dahil lumampas na sa 12-month verification period.
Tignan ang mga sumusunod na monthly fees:
- Years 1-2: PHP 10 Monthly Fee
- Years 3-4: PHP 20 Monthly Fee
- Years 5-6: PHP 30 Monthly Fee
- Years 7-8: PHP 40 Monthly Fee
- Years 9-10: PHP 50 Monthly Fee
Sa panahong ito, pwede mong i-claim ang natitira mong balance kahit kailan basta mag-submit ka ng ticket. Kapag ang balance mo ay naging zero na o ang account mo ay umabot na ng 10 years—sa anumang mauna—ang account mo ay isasara at mawawalan ka ng access sa GCash.
Next Steps:
Kung na-deactivate ang GCash account mo, kailangan mong gumawa ng bagong GCash account at maging fully verified.
Kung gusto mong kunin ang funds mula sa deactivated GCash basic account mo, sundan ang mga steps na makikita sa "Paano ko makukuha ang pera ko na galing sa suspended na GCash Basic account?"
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: