Paano mag-deposit sa GSave by CIMB account ko?
Pwedeng manual deposit o scheduled deposit ang gawin para sa GSave by CIMB account.
Paalala:
Kung nag-request ka ng GSave by CIMB transaction history pero hindi mo natanggap sa email mo o may nakita kang error message, pwede ka mag request ng eStatement sa CIMB Bank PH app. Ito ang mga steps:
- Mag-log in sa CIMB Bank PH app mo
- Sa dashboard, i-tap ang More
- Sa ilalim ng Others, i-tap ang eStatement
- I-tap ang Request for an eStatement > GSave, tapos i-tap ang Continue
- Piliin mo ang period na gusto mong i-generate para sa eStatement mo, tapos i-tap ang Continue
Tignan ang mas detailed na information kung paano mag-deposit:
Manual Deposit
Pwedeng manually mag-transfer ng funds mula sa GCash wallet papunta sa GSave by CIMB account, sundan lang ang mga steps na ito:
- Sa GSave by CIMB dashboard, piliin ang Deposit
- Ilagay ang amount na gustong i-deposit > pindutin ang Next
- I-review ang amount > Confirm
Pagkatapos mag-deposit, may makikita kang page para i-confirm na successful ang transaction mo. Ibabawas ang funds sa GCash wallet mo at ililipat ito sa GSave by CIMB account mo in real time.
Scheduled Deposit
Pwedeng mag-schedule ng automatic deposit mula GCash Wallet papunta sa GSave by CIMB. Sundanlang ang mga steps na ito:
- Sa GSave homepage, pindutin ang My Savings
- Pindutin ang Setup Auto Deposit
- Ilagay ang deposit amount, date, frequency at i-tap ang Confirm
Ang scheduled deposits ay processed at 11:30 PM. Malilipat sa next available date ang mga pagbabago na ginawa pagkalipas ng oras na ito. Siguraduhin na may sapat na funds ang GCash Wallet bago ang oras na ito.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: