Paano magbukas ng GSave by CIMB account?
Ang GSave ay isang savings account ng CIMB Bank at GCash na pwedeng buksan sa GCash app. Wala itong initial deposit, walang maintaining balance, at walang lock-in period.
Sino ang qualified magbukas ng GSave by CIMB account
Qualified kang mag-open ng savings account sa GSave by CIMB kung ikaw ay:
- At least 18 years old
- Isang Filipino Citizen
- Isang Fully Verified GCash user
- Gumagamit ng PH o non-PH based SIM.
Paalala:
Available ang GSave by CIMB sa piling countries sa labas ng Pilipinas para sa mga GCash Overseas users na may non-PH based SIMs.
Kung na-meet mo ang basic requirements na nabanggit, sundan ang mga steps na ito para magbukas ng GSave by CIMB account:
- Sa GCash app, pindutin ang GSave > GSave by CIMB
- Piliin ang Open a Savings Account
- Mag-agree sa terms and conditions > Open a Savings Account
Mapupunta ka sa page para i-confirm na successful ang pag-open mo ng GSave by CIMB account.
Paalala:
Kailangan ng at least PHP 100 na deposit para mag-qualify sa GCash wallet and transaction limit increase na hanggang PHP500,000.
Sino ang qualified magbukas ng GSave Overseas CIMB account
Kung Filipino citizen ka na nakatira sa ibang bansa kung saan available ang GCash click here para ma-check kung qualified ka para sa GSave Overseas CIMB at kung paano magbukas ng account.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: