Paano mag-withdraw mula sa GSave by CIMB account ko?
Para mag-withdraw ng funds galing sa GSave by CIMB account, sundan ang mga steps na ito:
- Sa GSave by CIMB dashboard, piliin ang Withdraw
- Ilagay ang amount na gustong i-withdraw > Next
- I-check ang amount > Confirm
-
Ilagay ang 6-digit authentication code na ipinadala sa iyong rehistradong email address.
Note: Simula July 15, 2026, sa iyong registered email address na lang ipapadala ang mga OTP. Para maiwasan ang problema sa pagtanggap ng iyong OTP, siguraduhing pareho ang email address mo sa GCash at CIMB Bank PH.
- Pindutin ang Submit
Mapupunta ang funds sa GCash Wallet mo galing sa GSave by CIMB account in real time.
Pwede kang mag-withdraw from GSave by CIMB papunta sa GCash account mo kahit lumampas pa ito sa wallet o incoming limits mo. Pero, mag-aapply pa rin ang standard GCash limits kapag gumamit ka ng ibang features at services.
Paalala:
Kung nagta-try kang mag-withdraw mula sa GSave by CIMB pero wala kang natatanggap na OTP, click here para makita kung ano ang pwede mong gawin.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: