Paano mag-update ng mobile number na naka-link sa GSave by CIMB account ko?
Para ma-update ang mobile number na naka-link sa inyong GSave by CIMB account, kailangan muna ninyong i-update ang mobile number na naka-register sa inyong GCash account. Click here to learn how.
Paalala: Isa lang ang GSave by CIMB account na pwedeng ma-register sa pangalan ninyo.
Kapag na-update na ninyo ang GCash mobile number ninyo at Fully Verified na ito, sundin ang mga susunod na steps depende sa situation ninyo para smooth ang transfer.
Kung hindi pa ninyo na-link ang GSave ninyo sa CIMB app, pwede ninyong i-update directly ang mobile number ninyo sa CIMB Bank app:
- Sa CIMB bank app login screen, i-tap ang "Link my Account"
- I-enter ang mobile number at email address na naka-register sa account, then i-verify gamit ang SMS OTP
- Note: Kung nawala ninyo ang access sa mobile number ninyo, i-click ang 'I lost access to my mobile number' pagkatapos piliin ang account na gusto ninyong i-link
- I-input ang 6-digit security code
- Note: Kung nawala rin ang access sa email ninyo, piliin ang "I lost access to my email address"
- Ibigay ang bagong mobile number at email address ninyo, then i-verify via OTP
- Sundin ang mga susunod na steps at maghintay ng confirmation from CIMB bank within 1-2 banking days
To learn more about updating your mobile number via CIMB app, visit the official CIMB website.
Kung walang financial transactions ang GSave by CIMB account ninyo sa loob ng 2 years, magiging dormant o inactive ito. Makipag-ugnayan directly sa CIMB para sa assistance.
📞 CIMB Contact Details
- #2462 (domestic toll-free)
- +632 8924 2462 (international calls)
Pagkatapos ma-update ang mobile number sa GCash account ninyo, siguraduhin na:
- Fully Verified ang bagong mobile number ninyo sa GCash
- Active pa rin ang current GSave by CIMB account ninyo
- Tama ang lahat ng personal details ninyo (name, birthday, at iba pang registered information) sa GCash at CIMB
Kapag na-check na ninyo lahat ng requirements, mag-click dito para mag request ng transfer.. Makakakuha kayo ng response within 1-2 business days.
Maghintay ng up to 14 business days para ma-update completely ang mobile number ninyo sa GSave by CIMB account
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: