Hindi naglabas ng pera ang ATM pagkatapos kong mag-withdraw gamit ang GCash Card
Kung nag-try kang mag-withdraw gamit ang GCash Card mo pero walang lumabas na cash sa ATM, pwedeng dahil ito sa machine error o dahil kulang o walang cash sa ATM.
Kadalasan, automatic na mare-refund ang amount sa GCash wallet mo. Depende ang refund timeline sa kung saan ka nag-withdraw:
- Within the Philippines: 2–3 business days
- Outside the Philippines: 7–10 business days
Kung naka-tag na successful ang withdrawal sa system ng ATM provider, pwedeng kailangan ng dispute investigation, na pwedeng umabot ng 10–12 business days.
Kung hindi mo pa rin natatanggap ang refund mo after sa mga timeframe na ito, click here para mag-contact sa support. Makikipag-ugnayan sa’yo ang team namin.