Can’t or unable to pay bills
Kung nakakaranas ka ng bills payment error, subukan muna ang mga basic checks na ito:
-
Tingnan kung available ang biller. Ang mga biller na naka-gray ay under maintenance at hindi muna maaaring bayaran.
- Siguraduhing sapat ang iyong wallet balance.
- Tingnan kung naabot mo na ang iyong GCash transaction limit (Nire-reset ito buwan-buwan).
- I-troubleshoot ang iyong GCash app. Kung lumalabas ang “Something went wrong,” sundin ang mga hakbang sa aming troubleshooting guide para sa GCash app.
Still need help?
Kung nagawa mo na ang lahat ng checks sa itaas pero hindi ka pa rin makapagbayad ng bill, i-tap ang button sa ibaba.
Lumilitaw ang error na ito kapag maraming beses mong sinubukang bayaran ang parehong bill gamit ang parehong details. Ginagawa ito para maiwasan ang duplicate payments.
- Huwag paulit-ulit na subukang gawin ang parehong payment.
- Maghintay ng 1–2 oras bago subukan ulit.
Huwag agad gumawa ng panibagong payment. Sundin muna ang mga hakbang na ito.
Step 1: Tingnan kung nabawasan ang iyong balance
Tingnan ang payment method na ginamit mo:
- GCash wallet
- GCredit
- GGives
Kung walang nabago sa iyong balance, hindi na-process ang payment at maaari mo itong subukan ulit.
Kung may nabawas sa iyong balance, magpatuloy sa Step 2.
Step 2: Tingnan kung successful ang transaction
- Buksan ang GCash app at pumunta sa Transactions.
- Hanapin ang iyong Bills Payment transaction sa oras kung kailan mo ito ginawa.
- I-tap ang Get Help.
- Piliin ang My payment hasn’t been posted.
Ire-review ng aming team ang transaction:
- Kung successful ang transaction, hindi mo na kailangang magbayad ulit.
- Kung failed ang transaction, asahan ang refund sa loob ng 24–48 oras.
Kung nabawasan ang iyong wallet pero hindi ka sigurado kung successful ang payment, maaari mo ring i-click dito para sa karagdagang impormasyon.
Kung successful ang bills payment mo pero:
- Hindi pa ito na-post ng biller; o
- Nabayaran mo na ang parehong bill gamit ang ibang channel,
mangyaring direktang makipag-ugnayan sa iyong biller.
Ang successful GCash transactions, kapag na-process na, ay hindi na maaaring i-refund ng GCash.
Tanungin ang iyong biller kung maaaring i-apply ang amount bilang excess o advance payment sa susunod mong bill.
Kung hindi mo pa rin makumpleto ang bills payment matapos sundin ang mga hakbang sa itaas, click here to contact support. Makikipag-ugnayan sa iyo ang aming team sa lalong madaling panahon.