Did not receive my RFID or beep load from GBills
Kung hindi mo na-receive ang RFID o beep load mo mula sa GBills, i-tap ang biller mo sa ibaba at sundin ang steps.
Step 1: I-check ang account number at biller na nilagay mo
Siguraduhing tama ang account number na inilagay mo at tama ang napili mong biller: Autosweep o Easytrip.
Kung maling account details ang nalagay mo:
- Pumunta sa Transactions.
- Piliin ang bills payment transaction mo.
- I-tap ang Get Help.
- Piliin ang I entered the wrong details.
Step 2: Maghintay ng 1 hour
Posibleng delayed lang ang RFID load mo. Paki-check ulit ang balance mo within 1 hour.
Tip: Bago bumiyahe, siguraduhing may sapat na balance ang RFID account mo para maiwasan ang delays o aberya.
Step 3: Kung hindi mo pa rin natanggap ang RFID load mo after 1 hour
- Pumunta sa Transactions.
- Piliin ang bills payment transaction mo.
- I-tap ang Get Help.
- Piliin ang My payment hasn’t been posted.
Iche-check ng team namin kung successful ang transaction mo at iko-confirm kung saang account ito naipadala. Maaari mo ring i-review kung naisend ito sa tamang account number.
Step 1: I-fetch ang beep load mo gamit ang beep app
Kung gumagamit ka ng NFC-enabled phone:
- Buksan ang beep™ app.
- I-tap ang Fetch beep™ load mula sa menu.
- Ilagay ang beep™ card mo sa NFC reader ng phone mo.
- Hintaying ma-transfer ang load sa card mo.
Step 2: Maghintay ng 1 hour
Posibleng delayed lang ang load mo. Paki-check ulit ang balance mo within 1 hour.
Tip: Bago bumiyahe, siguraduhing may sapat na balance ang beep card mo para maiwasan ang delays o aberya.
Step 3: Kung hindi mo pa rin natanggap ang beep load mo after 1 hour