Hindi makapag-cash in, send, o transfer ng pera?
May na-encounter ka bang error habang nagta-transfer ng pera sa GCash? Sagutan ang ilang maiikling tanong para makuha ang tamang tulong.
Alin dito ang pinakamalapit sa concern mo?
Piliin ang option na pinaka-angkop sa nangyari.
Saan mo na-send ang pera?
Piliin ang option na pinaka-tugma sa iyong concern.
Saan mo kailangan ng tulong?
Bakit hindi mai-link ang iyong account
Kung hindi mo mai-link ang iyong bank o ibang account sa GCash, maaaring dahil ito sa:
- Account verification: Maaaring i-unlink ng GCash ang iyong account kung hindi match ang impormasyon. Siguraduhing parehong-pareho ang detalye sa GCash at bank account.
- System maintenance o updates: Maaaring maapektuhan ng maintenance o updates ang linked accounts. Maaaring kailanganing i-link muli ang account pagkatapos.
- Inactivity: Maaaring ma-unlink ang account sa bangko pagkatapos ng mahabang panahon na hindi ito ginagamit.
- Bank policies o limits: Requirement ng bangko na regular mong i-verify ang linked account. Ang paglampas sa cash-in limits o pagkakaroon ng maraming failed transactions ay maaari ding maging dahilan para ma-unlink ang account.
Hindi pa rin mai-link ang account?
Kung hindi mo pa rin mai-link o ma-relink ang iyong account, subukan ang mga sumusunod:
BPI o UnionBank
Invalid user ID and/or password
- I-reset ang iyong password.
- Maghintay nang 24 hours.
- Mag-log in gamit ang mga bagong detalye.
- I-link muli ang iyong bank account sa GCash.
Paalala: Malo-lock ang BPI account mo pagkatapos ng tatlong failed login attempts.
Linked account with changed password
Kung nagpalit ka ng password, i-relink muli ang iyong bank account. Para sa step-by-step instructions, basahin ang How to link your bank to GCash with InstaPay Cash In.
Disabled internet browser banking for UnionBank
Kung natatanggap mo ang alinman sa mga error na ito:
- Unable to log in via UnionBank
- You have disabled Internet browser banking
Subukan ang sumusunod para ma-enable ang browser banking:
- Buksan ang iyong UnionBank app.
- I-tap ang More.
- I-tap ang Login and Security.
- I-tap ang Browser Banking > Enable Browser Banking.
- Mag-log in muli sa UnionBank.
Subukang i-link muli
I-relink ang iyong bank account sa GCash gamit ang updated mong mga detalye o kapag naka-enable na ang browser banking.
PayPal
Para mai-link ang PayPal sa GCash, kailangan mo ng:
- Fully Verified GCash account
- Verified Philippine PayPal account
- Nakumpletong name check at currency conversion sa PayPal website
- Para sa Android: itakda ang Google Chrome bilang default browser
Payoneer
- I-reset ang iyong password.
- Maghintay nang 24 hours.
- Mag-log in sa Payoneer site gamit ang bagong password.
- I-link muli sa GCash.
Kailangan pa ng tulong? Mag-email sa Payoneer sa customerservicemanager@payoneer.com
US Bank
Kailangan mo ng:
- Fully Verified GCash account
- Para sa Android: itakda ang Google Chrome bilang default browser
Ibang bangko o account
I-check kung match ang mga detalye sa GCash at sa linked account. Subukan ulit pagkatapos ng maintenance o updates. Kung matagal nang hindi nagagamit ang account, i-relink ito. I-check din ang bank verification, limits, at mga naitalang failed transaction.
Need more help?
Kung hindi mo pa rin mai-link o ma-relink ang iyong account, i-click ang Contact Support sa ibaba. Makikipag-ugnayan ang aming team sa iyo sa loob ng 1–2 business days.
Ano ang nangyari noong sinubukan mong mag-Cash In?
Piliin ang option na pinaka-angkop sa nangyari.
Pasok ka pa ba ng iyong GCash Wallet at Transaction Limits?
Maaaring nag-fail ang iyong cash-in dahil naabot mo na ang iyong limits
Maaaring hindi tumuloy ang cash-in dahil naabot mo na ang iyong GCash wallet o transaction limits.
- I-check ang limits na naaangkop sa iyong account at maghintay na mag-refresh ang mga ito.
- Subukan ang mas maliit na halaga.
- I-upgrade ang iyong limits kung ikaw ay eligible.
Para matuto pa tungkol sa wallet at transaction limits, basahin ang What are my GCash wallet and transaction limits?.
Nasubukan mo na bang i-troubleshoot ang iyong GCash app?
Maaaring dahil sa outdated na app, problema sa koneksyon, o temporary issue ang dahilan ng ilang cash-in errors.
I-troubleshoot muna ang iyong GCash app
Bago subukang mag-cash in muli:
- Sundin ang steps sa How to troubleshoot GCash app issues. Makatutulong ang mga ito sa mga karaniwang isyu sa app, signal, o pansamantalang errors.
- Subukang mag-cash in muli.
Kung hindi ka pa rin makapag-cash in mula sa iyong bank account papuntang GCash, i-click ang Need more help? sa ibaba. Sundin ang steps para sa iyong cash-in channel.
Naayos na ang isyu sa Cash-in
Ayos! Gumagana na ulit ang iyong cash-in. Pwede mo nang ipagpatuloy ang paggamit ng GCash.
Aling cash-in channel ang ginamit mo?
Piliin ang bangko o account na ginamit mo sa pag-cash in sa GCash.
BPI
Ang default daily limit ng BPI ay PHP 10,000.
- Sa iyong BPI app, i-tap ang More.
- I-tap ang General Settings.
- Piliin ang Customize Transaction Limits.
- I-tap ang Load e-wallet, prepaid phone, and utilities using other apps.
- I-tap ang Finalize limits > Customize limits.
- Pagkatapos i-adjust ang limit, subukang mag-cash in muli.
PayPal
- I-check kung ang PayPal ay naka-link sa GCash.
- Mag-log in sa PayPal at tingnan kung may limits o kinakailangang gawin sa account.
- Kumpletuhin ang mga requirements. Maaaring maglagay ng limit ang PayPal dahil sa hindi awtorisadong paggamit, high-risk activity, o kawalan ng aktibidad.
- I-relink ang account kung kinakailangan.
- Subukang mag-cash in muli.
Payoneer
- Mag-email sa CustomerServiceManager@Payoneer.com para i-unlink ang account.
- I-relink ang account sa GCash.
- Subukang mag-cash in muli.
US Bank
- I-check kung ang iyong US Bank name at birthdate ay match sa mga detalye sa GCash.
- I-check ang cash-in limits: $500 para sa unang transaction at $1,000 kada buwan.
- Subukang mag-cash in muli.
Subukang mag-cash in muli
Subukang mag-cash in ulit pagkatapos ayusin ang limit, account link, o provider details.
Need more help?
Kung hindi pa rin naresolba ang iyong problema sa Cash In, i-click ang Contact Support sa ibaba. Makikipag-ugnayan ang aming team sa iyo sa loob ng 1–2 business days.
Na-unlink ang aking bank account
Maaaring na-unlink ang iyong bank account para sa dagdag na proteksyon, dahil hindi match ang mga detalye, o matagal nang hindi ginagamit ang account.
Para mai-link muli ang iyong account:
- Buksan ang GCash app at i-tap ang Cash In.
- I-tap ang Local Banks.
- Piliin ang iyong bangko sa ilalim ng Recommended Banks.
- Sundin ang mga hakbang para mai-link ang iyong account.
Subukang mag-cash in muli
Pagkatapos mai-relink ang iyong bank account, subukang mag-cash in ulit.
Need more help?
Kung hindi mo pa rin mai-relink ang iyong bank account, i-click ang Contact Support sa ibaba. Makikipag-ugnayan ang aming team sa iyo sa loob ng 1–2 business days.
Anong error message ang nakita mo sa Send Money?
Piliin ang message na lumabas sa iyong screen para malaman kung ano ang ibig sabihin nito at kung paano ito aayusin.
We’re unable to process your request
Maaaring ikaw o ang recipient ay umabot na sa kanilang receive o send limits.
Ano ang pwede mong gawin:
- Sabihan ang iyong recipient na i-check kung naabot na nila ang kanilang monthly wallet incoming limit.
- Subukang mag-send ng mas maliit na halaga.
- Gamitin ang Bank Transfer.
You might be repeating this transaction
Maaaring na-detect ng GCash na ang transaction ay inuulit mo dahil pareho ang amount at recipient.
Ano ang pwede mong gawin:
- Pumunta sa iyong Transactions page para i-check kung tumuloy na ang unang pag-transfer.
- Kung hindi ito tumuloy, maghintay nang 5 minutes bago sumubok ulit.
GCash detected an untrusted connection
May na-detect ang GCash na hindi pinagkakatiwalaang koneksyon.
Ano ang pwede mong gawin:
- I-force close ang GCash app.
- I-on ang Airplane mode nang 30 seconds, pagkatapos ay i-off ito.
- Lumipat sa ibang Wi-Fi o mobile data.
- Buksan muli ang app.
For your protection, we need to take another look at your transaction
Kailangang i-check muna ng GCash ang transaksyon bago magpatuloy para protektahan ang iyong account.
Ano ang pwede mong gawin:
- Maghintay nang 24 hours bago subukang mag-send ng pera muli.
- Kung nakikita mo pa rin ang message na ito pagkatapos ng 24 hours, i-click ang Contact Support sa ibaba para masuri ng aming team ang iyong account.
Can’t find the error you’re seeing?
Wala sa listahan sa itaas ang nakikita mong error.
Kung may nakikita ka pa ring errors pagkatapos mag-troubleshoot, i-click ang Contact Support sa ibaba.
Siguraduhing piliin ang tamang error na iyong nakita para mas maayos ka naming matulungan. Makikipag-ugnayan ang aming support team sa loob ng 24 hours.
Anong error ang nakita mo sa bank transfer?
Pumili ng error para makita ang prompt image at mga guide sa pag-troubleshoot.
“For your security, let’s double check this transaction”
Iche-check ng GCash ang posibleng duplicate transfers. Maghintay nang 2 minuto, pagkatapos ay i-check ang iyong Transactions page bago subukan ulit.
OTP issue
I-check ang iyong internet o mobile signal, pagkatapos ay subukan muli ang transaksyon mula sa simula.
“Sorry, we’re unable to process your request” or “Unable to process your transaction”
Isa itong GCash security check. Maghintay nang at least 1 oras bago sumubok muli.
Double-check the transaction
Iche-check ng GCash ang posibleng duplicate transfers. Maghintay nang 2 minuto, pagkatapos ay i-check ang iyong Transactions page bago subukan ulit.
OTP issue
I-check ang iyong internet o mobile signal. Pagkatapos ay simulan muli ang transaksyon mula sa simula.
Unable to process the transaction
Isa itong GCash security check. Maghintay nang hindi bababa sa 1 oras bago sumubok muli.
Kung mag-fail ang bank transfer, ang buong halaga, kabilang ang convenience fees, ay ibabalik sa iyong GCash wallet.
Subukan muli ang bank transfer
Subukan ulit pagkatapos ng kinakailangang oras ng paghihintay o pagkatapos maayos ang signal.
Need more help?
Kung hindi mo pa rin magamit ang bank transfer, i-click ang Contact Support sa ibaba at mag-attach ng screenshot ng error. Makikipag-ugnayan ang aming team sa iyo sa loob ng 24 hours.
Kung mag-fail ang iyong bank transfer, ang buong halaga (kasama ang fees) ay babalik sa iyong GCash wallet.
Anong error ang nakita mo sa RCBC Scan to Withdraw?
Pumili ng error para makita ang prompt image at mga guide sa pag-troubleshoot.
Your QR code has expired
Nag-e-expire ang QR codes pagkalipas ng 5 minutes kung hindi ito nagamit. Mag-generate ng bagong code at i-scan ito ulit sa ATM.
You have reached the maximum codes generated
Bawat QR code na na-generate ay dapat gamitin.
Mayroong up to 3 QR code na limit kung nag-generate
ka at hindi ito ginamit sa isang araw.
Kung naabot mo ang limit, pwede kang
mag-withdraw
muli simula 12:00 AM kinabukasan.
Samantala, pwede mong gawin ang sumusunod:
- Mag-cash out sa GCash Partner Outlets.
- Gamitin ang iyong GCash Card sa ibang BancNet ATMs.
Your QR code is invalid
Ang mga QR code lang mula sa RCBC Scan to Withdraw page ng GCash app ang gumagana sa mga RCBC ATM.
Mag-generate ng bagong cash-out QR code:
- I-tap ang View All Services sa iyong GCash app.
- Piliin ang Cash Out.
- I-tap ang RCBC Scan to Withdraw.
- Piliin ang Generate QR Code.
- Ilagay ang halaga at i-tap ang Next.
- Suriin ang mga detalye at i-tap ang Proceed.
- Lalabas na ang iyong QR code.
Kung nakakatanggap ka pa rin ng errors, i-click ang Contact Support sa ibaba. Makikipag-ugnayan ang aming team sa iyo sa loob ng 24 hours.
Need more help?
Kung nakakatanggap ka pa rin ng errors, i-click ang Contact Support sa ibaba. Makikipag-ugnayan ang aming team sa iyo sa loob ng 24 hours.
Hindi magamit ang International Transfer?
Kung hindi ka makapag-transfer ng pera sa isang international bank, kumpletuhin muna ang mga pagsusuring ito bago subukan ulit.
-
I-verify ang iyong account
Siguraduhing Fully Verified ang iyong GCash account. -
I-check ang iyong limits
Suriin ang iyong wallet and transaction limits. -
I-check ang iyong balance at fees
Dapat sapat ang iyong balance para sa transfer amount at fees. Kung mag-fail ang transaksyon, ang kabuuang halaga kasama ang transfer fees ay ire-refund pabalik sa iyong GCash account. -
Ilagay ang OTP
I-enter ang One-Time Password kapag hiningi. -
I-troubleshoot ang GCash app
Sundin ang troubleshooting steps, pagkatapos ay subukan muli ang pag-transfer.
Need more help?
Kung nakakakita ka pa rin ng error, i-click ang Contact Support sa ibaba. Makikipag-ugnayan ang aming team sa iyo sa loob ng 24 hours.