Paano mag-send money mula sa FB Messenger
Pwede kang mag-send money sa ibang GCash account direkta from Messenger. Automatic na magshi-shift galing sa chat mo papunta sa GCash app. Pagbukas ng GCash, naka-fill out na agad ang details ng recipient.
Note: Gagana lang ito kung Facebook Profiles ang gamit pagchat sa Facebook Pages. Siguraduhin na naka-install ang latest versions ng Messenger at GCash.
How to send money from Messenger
-
Sa Messenger, buksan ang chat kung saan sinend ng business ang GCash number nila
-
Tap Transfer with GCash.
- Magbubukas ang GCash app mo
-
Mag log in sa GCash account mo. Naka-pre-filled na ang details ng recipient
- Enter amount, then tap Next
- Review details and tap Send
- Automatic kang babalik sa Messenger
- Makikita mo ang payment receipt sa chat
Need more help?
Kung hindi lumalabas ang widget, walang response after mong mag-click, nagka-crash ang app, o may iba pang error, subukan ito:
- Update both Messenger and GCash apps
- Check internet (try WiFi or mobile data)
- Close and reopen Messenger
- Clear Messenger cache (Phone Settings > Messenger > Clear Cache)
- Log out tapos log in ulit sa Messenger
- Restart your phone
Kung gumagana ang Messenger pero hindi mo makumpleto ang payment sa GCash app:
- I-update ang Messenger at GCash apps.
- Isara at buksan ulit ang GCash app.
- I-clear ang cache ng GCash. Pumunta sa Phone Settings > GCash > Clear Cache.
Hindi pa rin makumpleto ang payment? Sundin ang mga steps sa article na ito.
- "Account on Hold" error? Ibig sabihin suspended ang account mo. Click here for guidance.
- Iba pang login issues? Check out this article.
Instant na pinoproseso ng GCash ang mga payment. I-check ang iyong Transaction History at Inbox.
- Kung nakalista ang transaction, sabihin sa seller na tingnan ang kanilang Transaction History.
- Kung hindi nakalista ang transaction, hindi natuloy ang payment. Subukang ipadala ulit ang payment.
Kailangan pa rin ng tulong?
- Buksan ang GCash app.
- Pumunta sa Transactions.
- I-tap ang Send Money transaction.
- I-tap ang Get help.
- Piliin ang Recipient hasn’t received the money.
- Kung may Scam Protection ka, click here para alamin kung covered ka.
- Walang insurance? Basahin ito para malaman kung anong pwedeng gawin.