Ano ang GCash Express Send Transaction Limit?
May monthly limit ang Express Send sa dami ng send at receive transactions na pwede mong gawin.
Paano ito gumagana?
Bawat buwan, may 500 send transactions at 500 receive transactions ka.
Kapag naabot mo na ang parehong limits, hindi mo na magagamit ang Express Send sa natitirang bahagi ng buwan. Magre-reset ang limits mo sa simula ng susunod na buwan.
Need More Transactions?
Maaaring magkaroon ang ilang power user ng mas mataas na transaction limit.
Pag naabot mo na ang parehong limits, pwedeng gamitin ng mga eligible user ang Send Money+ para patuloy na magpadala at tumanggap ng pera gamit ang Express Send. May bayad na PHP 5 sa bawat kasunod na transaction. Kapalit nito, magkakaroon ang user ng monthly wallet limit na PHP 3 million. Alamin pa ang tungkol sa Send Money+ dito.
Kung gusto mo ng unlimited transaction limits, walang bayad, at mas maraming paraan para kumita gamit ang GCash, pwede kang mag-sign up para sa GCash Pera Outlet account.
Note: Hindi pwedeng alisin ang Express Send limits sa iyong GCash account.