Ano ang Send Money+?
Ang Send Money+ ay para sa mga eligible users na nangangailangan ng mas mataas na Express Send limits.
Sa Send Money+, makukuha mo ang mga sumusunod:
- PHP 3,000,000 monthly wallet limit
- Unlimited receive transactions
- Unlimited send transactions
- PHP 5 na fee sa bawat send pagkatapos mong maubos ang iyong free Express Send limit
Kung eligible ka, makakakita ka ng Send Money+ prompt pagkatapos mong ma-reach ang iyong Express Send limit.
Ano ang pwede kong gawin kapag nakita ko ang Send Money+ prompt?
-
Mag-upgrade sa Send Money+
I-tap ang Upgrade to Send Money+ para makapagpatuloy sa paggamit ng Express Send.
Note: Kapag chineck mo ang box at pumayag kang mag-upgrade sa Send Money+, may PHP 5 fee na sa current at mga susunod mong transactions hanggang mag-reset ang limit mo sa unang araw ng susunod na buwan.
-
Tingnan ang business upgrades
I-tap ang View business upgrades kung kailangan mo ng business account. Ire-redirect ka sa GCash Pera Outlet page para makita ang merchant options.
-
Huwag mag-upgrade
Kung pipiliin mong huwag mag-upgrade, hindi mo maipagpapatuloy ang paggamit ng Express Send hanggang mag-reset ang limits mo sa unang araw ng susunod na buwan.