Nabayaran ko nang buo o sobra ang GLoan ko
Note:
Kapag na-fully pay mo nang hindi sinasadya, hindi na namin maa-refund kung nagbayad ka via Pay Bills, sa GLoan dashboard, or through payment partners. Kasama ito sa GLoan Terms na in-accept mo.
Kapag ikaw mismo nagbayad ng mas mataas kaysa sa GLoan due mo, si GCash na ang magha-handle ng extra amount base sa loan terms mo.
- Una naming ichi-check kung may iba ka pang dues sa GLoan, GGives, or GCredit.
- Kung meron pa, doon muna mapupunta yung extra payment.
- Kung wala ka nang ibang dues, ibabalik namin yung extra sa GCash wallet mo within 1 business day.