Bakit hindi ako eligible sa GLoan?
Kung hindi ka eligible sa GLoan o hindi ka makapag-avail nito, posibleng dahil ito sa mga sumusunod:
- Hindi ka pasok sa age requirement na 21 to 64 years old.
- Hindi ka Filipino citizen.
- Hindi Fully Verified ang iyong GCash account.
- May overdue balance ka pa sa iyong GLoan, GGives, GCredit, o Borrow Load account. Kapag may overdue balance ka, posible itong maging dahilan kung bakit hindi ka makapag-apply ulit ng panibagong GLoan.
- Hindi pumasa ang account mo sa GLoan evaluation requirements. Nire-review ang eligibility weekly at nakabase ito sa overall GCash profile mo, account usage, at payment history.
- Hindi ka nakapasa sa facial verification. Kapag 5 beses itong nag-fail, puwede kang mag-try ulit after 24 hours. Learn more here.
Para ma-verify ang account mo:
- Sa GCash app mo, tap Profile.
- Piliin ang government ID na i-upload.
- I-scan ang ID mo.
- Mag-selfie scan.
- I-review ang info mo, tap Submit.
Click here to learn more about verification.
Bukod sa requirements na nasa taas, may iba pang factors na chine-check ang system. Heto ang ilang tips na makakatulong:
- Keep using Cash In, Pay QR, Pay Bills, GSave, GInvest.
- Pay your loans on time or mas maaga.
Note: Weekly nire-recheck ng GCash ang eligibility mo.