View and Download Transaction History
Gamit ang Transactions module, pwede mong i-view, i-search, at i-download ang iyong transaction records para sa iyong daily bookkeeping at reconciliation.
Sino ang pwedeng gumamit nito?
Lahat ng users na may access sa iyong GCash for Business account ay pwedeng mag-view ng transactions at mag-download ng reports.
Ano ang pwede mong gawin
- I-check ang past payments: Tingnan ang detalye ng kahit anong transaction mula sa nakaraang 90 days.
- Tingnan ang live updates: I-track ang customer payments, wallet transfers, at payouts habang nangyayari ang mga ito.
- I-filter ang records: Mag-search gamit ang payment type o pumili ng dates mula sa nakaraang 90 days.
- Mag-save ng reports: I-download ang iyong records bilang CSV o Excel file.
Good to know
- Default view: Ipinapakita muna ng page ang nakaraang 7 days, pero pwede kang pumili ng kahit anong dates mula sa past 90 days.
- Dashboard vs. Transactions: Ang Wallet Dashboard ay nagpapakita lang ng latest 15 transactions ngayong araw. Sa Transactions module makikita ang iyong buong history at report downloads.
Paano gamitin ang Transactions module
Pumili ng action sa ibaba para malaman kung paano:
- Mag-log in sa business.gcash.com.
- I-click ang Transactions sa left menu.
- Ipapakita ng page ang iyong records mula sa nakaraang 7 days.
Tip: Pwede ka ring dumiretso sa business.gcash.com/transactions.
- I-click ang date filter para pumili ng dates mula sa nakaraang 90 days.
- I-filter ang iyong search gamit ang:
- Status: Success, Failed, o Pending
- Type: Payment method o transfer type
- I-click ang kahit anong row para makita ang buong detalye nito.
I-save ang iyong records bilang file sa computer para sa iyong accounting needs.
- I-filter ang dates at transactions na kailangan mo.
- I-click ang Export o Download sa itaas ng table.
- Piliin ang CSV o Excel.
- I-save ang file.
FAQs
- Transaction / Reference No.: Tracking number para sa payment.
- Date created: Kung kailan nagsimula ang payment.
- Date posted: Kung kailan pumasok o dumating ang pera.
- Status: Kasalukuyang step ng payment.
- Gross: Kabuuang amount bago ibawas ang fees.
- Fee: Charge sa pag-process ng payment.
- EWT: Tax na ibinawas, kung kailangan.
- Net: Natirang pera pagkatapos ibawas ang fees at taxes.
Pwede kang mag-view ng records mula sa nakaraang 90 days (mga 3 months). I-download ang iyong reports bawat buwan para may sarili kang kopya.
Kung kailangan mo ng mas lumang data, contact GCash for Business Merchant Support at ibigay ang iyong:
- Business Name
- Merchant ID
- Dates needed
- Prepare: Nagsisimula pa lang ang transaction.
- Processing: Kasalukuyang pinoproseso ang payment.
- Success: Tapos na ang transaction. Para sa bank transfers, naibawas na ang pera sa wallet mo.
- Closed: Kumpleto at tapos na ang transaction.
- Cancelled: Itinigil ang payment.
- Failed: Hindi nag-push through ang payment. Walang perang nabawas o gumalaw.
- On Hold: Pansamantalang naka-pause para sa security check.
- Refunded: Ibinalik na ang pera.
Para sa PESONet bank transfers, ang ibig sabihin lang ng Success ay lumabas na ang pera sa GCash wallet mo. Ike-credit ng bank ng recipient ang pera base sa kanilang normal banking schedule.
Related articles