Accept or Decline an Account Invitation
Kung nakatanggap ka ng email invitation para sumali sa isang GCash for Business account, pwede mo itong tanggapin para ma-set up ang login mo. Pwede mo rin itong tanggihan kung ayaw mong sumali.
Sundin ang mga steps sa ibaba para mag-respond sa invitation mo:
Buksan ang email invitation at i-select ang unique link. Gumagana lang ang link sa email address mo at hindi ito pwedeng i-share.
Sa sign-up page, tingnan ang naka-fill na email address. Naka-link ang email address mo sa invitation na ito at hindi ito pwedeng palitan.
Ilagay ang details mo at gumawa ng password.
Ilagay ang one-time password (OTP) na ipinadala sa email mo.
Kapag verified na, ready na ang account mo at pwede ka nang mag-log in.
Anong role ang makukuha ko?
Merchant Viewer ang default role mo. Pwedeng bigyan ka ng ibang role ng Merchant Super Admin o Merchant User Admin pagkatapos.
Buksan ang email invitation at i-select ang Decline the Invite.
Sa susunod na page, i-select ang Decline.
May lalabas na message na nagkukumpirmang tinanggihan mo ang invitation.
Ano ang mangyayari pagkatapos?
Matatanggal ang email address mo sa Members list ng account. Kung magbago ang isip mo, magpa-send ng bagong invitation sa Merchant Super Admin o Merchant User Admin.